outbrain

Makati Mayor Abby Binay minura, ininsulto ng netizen dahil hindi nagsuspinde ng klase

January 15,2020
share this

Makati Mayor Abby Binay minura, ininsulto ng netizen dahil hindi nagsuspinde ng klase

January 15,2020
share this

NAKATANGGAP ng mura at pang-iinsulto si Makati Mayor Abby Binay sa isang netizen matapos hindi magsuspinde ng klase noong Martes kaugnay ng ashfall na dulot ng pagsabog ng Bulkang Taal.

Isinapubliko ito mismo ni Binay sa isang post sa kanyang Facebook account.

“F*ck u n*gga…If you don’t suspend classes right now imma come over there WHOOP yo ass,” sabi ng netizen sa isang private message kay Binay na na-screenshot ng mayor.

“Binay a** n*gga…F*ck n*gga…Almost everyone else suspended,” ayon pa sa Facebook user.

Nagpahayag ng pagkadismaya si Binay sa kawalan ng paggalang sa kanya.

“This is just one of several private messages I receive on a daily basis. I see the side of other people’s kids that they don’t show to their parents,” sabi ni Binay.

“What is more scary is there are people who found this post funny!” dagdag pa ni Binay.

Umani ang post ni Binay ng 4,200 reactions na may 1,100 laughing emoji, 1,700 sad, 943 angry emoji.

Kinampihan naman si Binay ng maraming netizens.

“Throwing around ’N’ work like its nothing is disturbing,” sabing ng isang koment, samantalang, “You don’t deserve such disrespect,” ayon pa sa isang netizen.

“I can’t believe people would message you like that. Kids these days don’t have the same respect for authority (and) elders,” komento ng netizen.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending