Gulay at prutas na apektado ng pagsabog ng Bulkang Taal ligtas kainin-DOH | Bandera

Gulay at prutas na apektado ng pagsabog ng Bulkang Taal ligtas kainin-DOH

Bella Cariaso - January 15, 2020 - 03:34 PM

SINABI ng Department of Health (DOH) na ligtas kainin ang mga gulay at prutas na galing sa mga lugar na apektado ng pagsabog ng Bulkang Taal basta’t huhugasan ng mabuti.

“Yung gulay at saka ano… wala pong problema ‘yun basta hugasan lang ‘yun ‘no, ‘yung gulay at saka prutas na nalagyan ng abo. Basta hugasan lang ng mahusay ‘yun at linisin puwedeng kainin ‘yun,” sabi ni Health Undersecretary Eric Domingo sa isang briefing sa Malacanang.

Idinagdag ni Domingo na tanging mga buhay na hayop at isda ang bawal kainin.

“Pero ‘yun pong buhay na hayop, ‘yung mga isda nakaka-ingest kasi sila ng toxins and until we are sure, we advise the public to please refrain, just for caution,” ayon pa kay Domingo.

Idinagdag ni Domingo na senyales ang pagkamatay ng mga hayop at isda sa mga apektado ng pagsabog ng Bulkang Taal na delikado ang pagkain ng mga ito.

“Habang hindi tayo sigurado, might as well be cautious ‘no because we know that toxic substances have been thrown out of the volcano and na-dissolve ‘yan sa tubig natin ‘no.  At kung makikita natin kung enough siya para pumatay ng isda at pumatay ng hayop then ‘pag na-ingest natin ito maaaring mailipat sa katawan ng tao itong mga toxins na ‘to,” ayon pa kay Domingo.

Sinabi ni Domingo na dapat antayin ang resulta ng pag-aaral ng Department of Agriculture (DA) kaugnay ng mga isda at hayop na apektado ng ashfall.

“So, until we have further… we await the further test of DA and clearing na walang toxin level na nakakatakot doon sa tubig, huwag muna po sana ‘no, refrain lang tayo from taking itong mga isda,” dagdag ni Domingo.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending