outbrain

Hugot ni Gabby para kay KC patama kay Sharon bilang ina?

By Julie Bonifacio January 15,2020
share this

Hugot ni Gabby para kay KC patama kay Sharon bilang ina?

By Julie Bonifacio January 15,2020
share this

SHARON CUNETA, GABBY AT KC CONCEPCION

Successful ang official grand opening ng Beaute’ Talk store ni Sherilyn Reyes sa Robinson’s Place sa Sumulong, Antipolo.

Tuwang-tuwa si Sherilyn sa all-out support na ibinigay sa kanya ng owner na Beautederm na si Rhei Tan.

Present din ang iba pang celebrity endorsers ng Beautederm sa grand opening ng store ni Sherilyn.

Bukod sa presence, nag-perform din kasi ang mga dumating na celebrities gaya nina Ejay Falcon, Ken Chan, Rita Daniela, KitKat, Camille Prats, Ria Atayde, Alma Concepcion, Rochelle Barrameda, Gabby Concepcion and Lorna Tolentino.

Siyempre, nandoon din si Hashtag Ryle Santiago na isa rin sa endorsers ng Beautederm na nagsilbi ring host ng event with Maricel Morales.

Na-miss naman namin sa event ang mister ni Sherilyn na si Chris Tan na nagpapagaling pa. On our next column, ikukuwento namin ang kaganapan kay Daddy Chris at ang mga pinagdaanan nila ni Mommy Shey last year.

Nasa backstage naman ang mga celebrity endorsers ng Beautederm habang naghihintay sa kanilang moment to perform on stage. Habang nagpapapiktyur sa backstage ay nakausap namin si Gabby.

Kinunan namin siya ng reaksyon sa mga nag-comment at nag-repost sa mga hugot lines niya sa Instagram. May isang quote card doon na tila may konek sa kanyang anak na si KC Concepcion.

Duda ng marami, pinarurunggitan ni Gabby sa kanyang post si Megastar Sharon Cuneta. And we asked him what’s on his mind when he posted the message sa IG.

“It’s my post. That’s my account,” nakangiting sabi ni Gabby.

Pero mariin niyang itinanggi na may “patama” or directed to Sharon ang ipinost niya. Marami kasi ang nag-iisip na yun ang sagot niya sa mahaba-haba hugot ng dating misis para sa unica hija nilang si KC.

Anyway, mukhang wala namang plano si Sharon na “patulan” ang hanash ni Gabby sa social media lalo pa’t naospital ito dahil sa eye infection.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending