outbrain

Sexy star loyal sa super rich na BF, dedma sa ‘tukso’

By Cristy Fermin January 15,2020
share this

Sexy star loyal sa super rich na BF, dedma sa ‘tukso’

By Cristy Fermin January 15,2020
share this

DAPAT maging modelo ng mga nagtatamad-tamarang personalidad ang isang sexy actress na puwede nang mahiga at matulog na lang pero nagbabanat pa rin ng buto.

Kung gugustuhin lang ng female personality na magpasarap siya sa buhay ay puwede niyang gawin ‘yun anumang oras pero mas umiiral sa kanya ang pagsisipag.

Kuwento ng aming source, “Napakatagal na siyang pinahihinto sa pag-aartista ng boyfriend niya, pero hindi siya pumayag. Napakayaman ng karelasyon niya, kayang-kayang ibigay sa kanya ang lahat-lahat, pero talagang decided siyang ituloy ang career niya.

“Matagal na silang magkarelasyon, kilalang-kilala na siya ng guy, pati ang pamilya nu’ng lalaki, gustung-gusto siya, kaya wala nang problema kung magpakasal man sila.

“Pero matindi ang disposition niya, napakatagal nga naman niyang naghintay, ngayon pa lang gumaganda ang takbo ng career niya, kaya hindi siya papayag sa gustong mangyari ng boyfriend niya,” umpisang chika ng aming impormante.

Napakayaman ng pamilya ng lalaki, tahimik lang ang mga ito, pero hindi matatawaran ang mga negosyong meron sila sa ibang bansa.

Patuloy ng aming source, “Malaki ang tiwala sa kanya ng guy kahit pa kung minsan, e, gumagawa siya ng mga projects na nagpapakita sa napaka-sexy niyang katawan.

“Iba talaga ang relasyon kapag may trust sa isa’t isa ang mga nagmamahalan. Natural lang na lapitin ng babae ang guy dahil hindi lang siya basta guwapo, super-yaman pa, pero talaga ang utak niya, e, nakasentro na sa sexy actress.

“Ang girl naman, e, sanay na rin sa mga nagpapalipad-hangin d’yan, nakakatanggap pa nga siya ng mga indecent proposal, pero wala siyang panahon para du’n!

“Mas humanga sa kanya ang guy dahil kahit magkalayo sila, e, napaka-loyal talaga sa kanya ng girl, walang ibang pinagbibigyang sinuman ang sexy actress, ang boyfriend lang niya talaga ang laman ng isip at puso niya.

“Tama, yummy ang guy, yam na yam naman ang kaseksihan at kagandahan ng female personality, bagay na bagay sila talaga,” pagtatapos ng aming source.
May iba pa ba, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio. Yam na yam!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending