outbrain

Nadine 8 taon pa sa Viva; sayang ang kaseksihan at pagiging Best Actress

By Cristy Fermin January 15,2020
share this

Nadine 8 taon pa sa Viva; sayang ang kaseksihan at pagiging Best Actress

By Cristy Fermin January 15,2020
share this

JAMES REID AT NADINE LUSTRE

Panahon na para bigyan ng markadong proyekto ng Viva Films si Nadine Lustre. Hindi na posible ang pagtatambal nila ng kanyang boyfriend na si James Reid dahil kahit pa sinabi ng aktor na walang problema sa kanila ng produksiyon ay maraming mas naniniwalang meron.

Nakapanghihinayang ang talento ni Nadine. Ilang pelikula na niya ang napanood namin ay hindi lang siya sexy, mahusay siyang umarte, kaya naman marami na rin siyang tinatanggap na parangal.

Puwede namang sumugal ang Viva sa proyektong iba ang katambal niya, malay natin, baka nga mas lumutang ang kapasidad ng dalaga.

Napapanahon na ring magbida siya sa pelikula o sa isang serye dahil matagal-tagal na rin siyang pinananabikan ng kanyang mga tagasuporta.

Isa pang dahilan ay nararapat na siyang mapanood talaga para naman hindi nakapagkokomento ang iba na puro kontrobersiya lang naman ang nangyayari sa kanya pero wala namang nagaganap na milagro sa kanyang career.

Sayang ang kaseksihan ng young actress, sayang din ang kanyang talento sa pag-arte na matagal na niyang pinatunayan, hindi dapat huminto ang ikot ng kanyang mundo nang dahil lang sa pag-alis ni James Reid sa Viva.

May walong taon pang kontrata si Nadine Lustre sa Viva Films, walang katotohanan ang kuwentong aalis na rin siya du’n at susunod na kay James Reid, fake news ‘yun.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending