Talak ng anak ni Mega: Please, itigil na ang Taal jokes, be sensitive!
“ITIGIL na ang pagpapakalat ng Taal jokes at memes!” Yan ang panawagan ng ilang celebrities sa mga netizens na ginagawang katatawanan ang pagsabog ng Taal Volcano sa Batangas.
Hindi nila nagugustuhan ang ilang insensitive posts sa social media tungkol sa panibagong kalamidad na hinaharap ng bansa. Hindi raw tamang gawing joke ang pagputol ng Bulkang Taal dahil napakarami nang naaapektuhan nito.
Isa na nga sa ilang matatapang na nagpakita ng kanilang pagkabahala sa patuloy na pagkalat ng memes tungkol sa pag-aalburoto ng Taal Volcano ay ang anak nina Megastar Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan na si Frankie.
Kinondena ng dalaga ang mga Taal jokes lalo na ang mga nagsabing sana raw ay mas lumakas pa ang pagsabog ng bulkan para raw wala pa ring pasok at mamatay na ang mga dapat mamatay.
“Stop with the taal jokes, btw i’ve seen too many of them and they’re breaking my heart [sad emoji] maging sensitibo naman po tayo,” simulang mensahe ni Frankie.
“I didn’t realize so many people were trying to make taal an aesthetic… That’s not ok and i’m deleting my lil unintentional contribution to that vibe now. I usually just process best with words or poetry. bye bye post,” aniya pa.
Sinagot din ng dalaga ang mga netizens na nagsabing masyado raw naman siyang seryoso sa buhay. Aniya, huwag maging insensitibo sa paghihirap at pagdurusa ng kapwa at hindi tama ang gawing biro ang pinagdaraanan nila.
“Like yuck?? don’t be all ‘beautiful disaster’ pls? mother nature is terrifying and we can sit here in awe but never neglect the suffering of sm people,” sabi pa ng anak ni Mega.
Dagdag pa niyang mensahe sa ilang netizens, “It’s about the way such posts are made i suppose. it’s alright to appreciate the awe-inducing beauty of nature, but also incredibly insensitive to post aesthetic boards or artistic-feeling photographs without any regard for the suffering of others.”
* * *
Marami naman ang humanga sa katapangan ni Frankie kaya pinuri nila si Sharon sa pagpapalaki sa kanyang anak.
In fairness, kahit si Mega ay saludo sa tapang ng anak lalo na nang sagutin nito si Pangulong Rodrigo Duterte matapos sabihing pinapaalis na raw ni Sharon si Sen. Kiko sa bahay nila.
“Mas bagay maging first lady si Frankie. Ang tapang! Ha-hahaha!” sey ni Sharon. At nasa lahi na raw kasi nila ang pagiging fighter.
“Alam n’yo naman ang daddy ko, guerilla nu’ng araw,” ani Mega na ang tinutukoy ay ang yumao niyang ama na si Pasay City Mayor Pablo Cuneta.
“‘Tapos ang side naman ng mommy ko, ang mga great-great grandmothers namin, they were actual Katipuneras, so alam na!” dagdag pa niya nang makachikahan ng media after niyang pumirma ng bagong project contract sa ABS-CBN bilang judge sa pagbabalik ng Your Face Sounds Familiar.
Ayon pa sa singer-actress, kinausap daw niya sina Frankie at Miel pagkatapos ng issue, “I talk to them. They’re very smart, my children. So when I say, ‘The president is a friend of mine. It’s hard because we love daddy so much.
“But he probably said it out of anger or he had an outburst. You have to understand blah blah blah… plus dad is in the opposition…’ You know, all these things na expected.
“After that, Frankie naman stopped. Parang, ‘Okay. As long as I know we’re okay,” chika pa ni Sharon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.