5 OPM icon sanib-pwersa sa ‘#LoveThrowback3’ sa PICC
MAGSASAMA-SAMA sa isang concert stage ang mga OPM icons na sina Ella May Saison, Luke Mejares, Nina, Juris at Ito Rapadas ng Neocolours.
Ito’y magaganap sa kauna-unahang pagkakataon, sa ikatlo at pinakapabolosong installment ng pinag-uusapan at inaabangang taunang “#LoveThrowback” Valentine concert franchise sa Peb. 15 (Sabado, 8:30 p.m.) sa PICC Plenary Hall.
Sa direksyon at konsepto ni Calvin Neria, ang inihahain ng kamangha-manghang musical spectacle na ito ang pinaka-romantikong Pinoy love songs na nagbigay kahulugan sa love stories ng ilang henerasyon ng di mabilang na mga Pilipino.
Dadalhin ng “#LoveThrowback3″ ang mga manonood sa isang roller coaster musical journey na magpapaalala sa kanila ng sakit, ligay, kabiguan, pagkawagi, pait, at tamis ng pag-ibig.
Kasama si Marc Lopez bilang musical director, ang loyal fans at music aficionados ay maaaring maghanda sa isang hindi malilimutang gabi ng musika habang aawitin nang live ng stellar cast ng show ang kanilang greatest hits.
Siyempre, nandiyan ang soulful classics ni Ella May na “Till My Heartache Ends” at “If The Feeling Is Gone”; ang version ni Luke Mejares ng “Kahit Kailan” at “Love Of My Life”; ang trending rendition ni Nina ng “Someday” at “Jelaous;” ang heart wrenching hits ni Juris na “Di Lang Ikaw” at “A Love To Last A Lifetime.”
And of course, ang anthemic masterpieces ni Ito Rapadas na “Tuloy Pa Rin” at “Maybe,” at marami pang iconic na love songs na lahat ay bahagi ng soundtrack ng love life ng bawat Pinoy.
Bahagi ng proceeds ng concert ay ido-donate sa GASFI (Gig and the Amazing Sampaguita Foundation, Inc.) – isang non-stock at non-profit na organisasyon na pino-promote ang “Twenty Minutes at Bedtime, Read With Your Child” sa pagpapalakas ng family ties upang mapag-ibayo ang magmamahal ng isang bata sa pag-aaral.
Para sa karagdagang impormasyon at mga kapanapanabik na updates ukol sa #LoveThrowback3, i-like ang LoveThrowback3 sa Facebook. Para sa tickets, kontakin ang TicketWorld sa 8891-9999 o bisitahin ang www.ticketworld.com.ph.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.