outbrain

Ai Ai: May natutunan ako sa pagnininang sa binyagang bayan

By Jun Nardo January 14,2020
share this

Ai Ai: May natutunan ako sa pagnininang sa binyagang bayan

By Jun Nardo January 14,2020
share this

AI AI DELAS ALAS KASAMA ANG MGA BAGONG INAANAK

Magaan ang feeling ni Ai Ai delas Alas matapos maging ninang sa binyagang bayan ng Radio Veritas na ginanap last Sunday sa Quiapo Church.

“’Yun kasing mga batang pinili ay mga mahihirap na hindi pa talaga nabibinyagan. So, nu’ng in-invite nila ako para magninang sa mga bata, why not, di ba? Ang saya!” pahayag ng Comedy Queen.

“At may natutunan ako na kailangan pala nating malaman ang araw ng pagbibinyag natin at dapat i-celebrate natin yun kasi yun ang araw na pangalawang pagsilang natin bilang mga anak ng DIYOS,” ang text sa amin ni Ai Ai.

Naging bahagi rin ng binyagan sina Bishop Bacai at Father Anton. After ng binyag, namigay rin ng blessings at “pakimkim” sa mga bata ang Comedy Queen.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending