P1.5M halaga ng N95 mask ilalaan ng DOH sa Taal evacuees
SINABI ng Department of Health (DOH) na nakatakda itong magbigay ng P1.5 milyong halaga ng N95 face mask, water container, at eye drops sa mga residente sa mga evacuation center sa Batangas Taal Volcano.
Sinabi nk Health Undersecretary Eric Domingo na hindi pinal kung ilan ang eksaktong bilang na ipamamahagi sa mga evacuees.
Inihayag ito ng DOH matapos naman ang ulat na umabot sa P200 kada isa ang presyo ng N95, samantalang naubusan naman ng suplay ang mga pharmacy ng surgical face mask.
Libo-libong residente ang inilikas dahil sa pagsabog ng Bulkan Taal.
Isinailalim na ang buong Batangas sa state of calamity.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.