Taal lalong nag-alburuto; magmatic eruption naitala
Leifbilly Begas - January 13, 2020 - 01:05 PM
NAGKAROON ng magmatic eruption ang Bulkang Taal Lunes ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naganap ang lava fountaining alas-2:49 ng umaga at nasundan ng alas-4:28 ng umaga.
Alas-5 ng umaga, nakapagtala na ang Philippine Seismic Network ng 75 volcanic earthquake sa Taal region.
Sa mga ito, 32 ang naramdaman at may lakas na Intensity II hanggang V. Naramdaman ito sa Tagaytay City, Cabuyao, Laguna, Talisay, Alitagtag, Lemery at Bauan, Batangas.
“Such intense seismic activity probably signifies continuous magmatic intrusion beneath the Taal edifice, which may lead to further eruptive activity.”
Noong Linggo ay itinaas ng Phivolcs sa Alert Level 4 ang Taal Volcano.
Nagpatupad na rin ng total evacuation sa Taal Volcano Island at mga kalapit na lugar na nasa loob ng 14-kilometrong radius mula sa bunganga ng bulkan dahil sa pyroclastic density currents at volcanic tsunami.
“Areas in the general north of Taal Volcano are advised to guard against the effects of heavy and prolonged ashfall.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending