Serye ng lindol naitala dahil sa Bulkang Taal | Bandera

Serye ng lindol naitala dahil sa Bulkang Taal

Leifbilly Begas - January 12, 2020 - 06:33 PM

SUNOD-sunod na lindol ang naramdaman sa paligid ng Bulkang Taal ngayong araw.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology ala-1 ng hapon ng maramdaman ang magnitude 2.5 lindol sa Mataas Na Kahoy, Batangas.

Nasundan ito ng magnitude 2.6 alas-1:33 ng hapon sa Talisay, Batangas. Sumunod ang magnitude 2.0 sa San Jose, Batangas at magnitude 2.2 sa Mataas Na Kahoy.

Sumunod ang magnitude 2.3 sa San Juan, Batangas, magnitude 3.3 alas-1:56 ng hapon at 3.3 sa Talisay alas-1:59 ng hapon.

Alas-2:13 ng hapon ng maramdaman ang magnitude 2.3 sa Talisay na sinundan alas-2:19 ng hapon sa San Juan na may lakas na magnitude 2.5.

Magnitude 2.6 naman sa Taal alas-4:24 ng hapon at magnitude 3.2 sa Tagaytay City, Cavite alas-5:10 ng hapon.

Ang mga lindol ay sanhi ng paggalaw ng lupa dahil sa aktibidad ng bulkang Taal.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending