Fans nina Alden at Maine ayaw sumuko, asa pa rin
WHILE Maine’s hashtag #YesToArjo also trended on Twitter, other fans and supporters of Maine’s former team up with Alden Richards do not seem pleased as the hashtag #YesToMaichard started trending on Twitter as well.
Matapos mag-trending ang #NoToArjoTheUser at #YesToArjo ay hindi pa rin talaga nagpapigil ang AlDub fans.
Sa sobra nilang hallucination, pina-trending nila ang #YesToMaichard sa Twitter. Talagang hindi sila maka-move on sa issue nina Maine Mendoza at Arjo Atayde kaya naman pilit nilang ipinagsisiksikan ang idol nilang si Alden.
“Bago ako mag sleep… let me say congrats ADN/MaiChard we survived another day! Heres hoping tomorrow will be a better day… a day closer to tamang panahon,” tweet ng isang AlDub fan.
“Stay strong! YourWallYourSay. #YesToMaichard,” said another MaiChard supporter.
“Ang sarap lang balikan.. SANA sana sana… good morning mga ka ADN.. Let us offer everything to GOD. #YesToGod #YesToMaichard,” sabi ng isa pang die-hard fan.
Nag-react naman ang fans ni Maine.
“Huwag kasing ipilit kung di nila gusto ang isat isa, kung saan cla masaya respect them.”
“Di mapipilit ang mga tao kung sinu gugustuhin nila. Support and accept nyo nalng na iba mahal ni Maine.”
Maliwanag pa sa sikat ng araw na boyfriend na ni Maine si Arjo kaya naman sa mga delusional fans diyan ay magsitigil na kayo. Lumuha man kayo ng dugo, mamatay man kayo ay hindi mangyayari na mai-in love si Maine kay Alden. Iba ang gusto ni Alden, hindi si Maine.
* * *
Natanong sina Meryll Soriano and Joem Bascon kung nagkabalikan na sila dahil spotted sialng dalawa sa New Year party ng pamilya ni Meryll.
Nagkataon namang break na si Joem sa kanyang girlfriend na si Crisha Uy kaya naman sa finale mediacon ng Starla ay inusisa siya about it.
“Very special for us ang Starla kasi sobrang, ang daming pagkakaibigan na nangyari, naging well-bonded kami.”
“Meron kaming nabuong samahan even after kami na hindi nagte-taping, nagsasama kami, nagkikita kami minsan and we get together. Yeah, it’s very special for me especially kasi sobrang tagal kasi naming ginawa ang Starla so aaminin namin na talagang naging magbabarkada kami, naging masaya kami na magkakasama.”
That was Joem’s answer na parang hindi naman sinagot ang tanong kung nagkabalikan sila.
They initially became a couple during the teleserye I Love Betty La Fea pero nagkahiwalay rin sila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.