outbrain

Wish ni Alden ngayong 2020: Lovelife!

By Jun Nardo January 08,2020
share this

Wish ni Alden ngayong 2020: Lovelife!

By Jun Nardo January 08,2020
share this

ALDEN RICHARDS

NAGKAROON ng birthday celebration si Alden Richards sa kanyang Concha’s Garden sa Quezon City last Jan. 2.

Present ang ilan sa matatalik niyang kaibigang artista gaya nina Kristoffer Martin, Bea Binene at Dianne Medina.

Nag-share si Dianne ng ilang litrato sa kanyang Instagram account na kuha sa selebrasyon ng Pambansang Bae.

“Alden’s birthday celebration. Den happy happy birthday! Thank you for the gift of friendship! Love you brother!” caption ni Dianne sa picture na kayakap ang kaibigan.

Anyway, after ng series niyang The Gift, paghahandaan naman ni Alden ang kanyang major concert sa Araneta Coliseum na magiging bahagi ng kanyang 10th anniversary sa showbiz industry.

Level up na ang pagiging concert artist ng Asia’s Multimedia Star kaya siguradong marami siyang ihahandang pasabog sa show.

Samantala, marami naman ang nagdarasal na sana’y matagpuan na ng Kapuso heartthrob ang babaeng nakalaan para sa kanya. Wish ng binata na ngayong 2020 ay magkaroon na siya ng lovelife.

Ayon sa isang feng shui expert, non- showbiz daw ang posibleng magiging karelasyon ni Alden. Ang tanong, may nililigawan na kaya ang aktor o baka naman hindi lang natin alam – may special someone na pala ang Pambansang Bae?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending