BUKAS na ang huling araw ng 2019 Metro Manila Film Festival. Siguradong mawawala na sa mga sinehan ang mga nangulelat sa laban habang mae-extend naman ang patuloy na humahataw sa takilya.
Mukhang hindi nga maaabot ng MMFF ang kanilang target na kita dahil medyo mahina ang festival this year.
Imposible nang mawasak ang record last year kung saan higit pa sa P1 billion ang naitalang gross income ng walong entries kung saan nag-number one ang movie ni Vice Ganda na “Fantastica”.
Wala pang official statement ang MMFF organizers hinggil sa total gross ng bawat pelikulang kalahok pero sa pagpasok ng Bagong Taon (Jan. 1) nitong Miyerkules, balitang nanguna sa labanan ang “Miracle In Cell No. 7” ni Aga Muhlach with P237 million at pumangalawa naman ang “The Mall, The Merrier” nina Vice Ganda at Anne Curtis na kumita ng P231 million sa loob ng isang linggo.
Nasa ikatlong pwesto naman ang “3Pol Trobol Huli Ka Balbon” (P76 million), ikaapat ang “Mission Unstapabol: The Don Identity” (P62 million), “Sunod” (P16 million), “Mindanao” (P6.8 million), “Write About Love” (P5.6 million), at panghuli ang “Culion” (P1.7 million).
Siguradong nagbago na ang mga numerong ito ngayon at asahan ang paglabas ng official ranking ng walong entry sa 2019 MMFF ngayong linggo sa pagtatapos ng festival bukas.
Ayon nga sa kay Noel Ferrer, bahagi ng Executive Committee ng MMFF, “At this point when some of the theaters in Mindanao are still closed because of the earthquake, and our people in the Visayas would rather attend to their rehabilitation after the typhoon than watch movies, realistically, it would be hard to surpass last year’s record gross in the box office.
“But nevertheless, we continue to celebrate the artistic harvest in this year’s Metro Manila Film Festival. We are counting on your support so that more films will reach a wider audience.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.