Hunk actor nilayasan ng rich lover, balik sa dating buhay | Bandera

Hunk actor nilayasan ng rich lover, balik sa dating buhay

Cristy Fermin - January 05, 2020 - 12:55 AM

BILANG na ang maliligayang araw ng isang hunk actor na produkto ng isang talent search, balik na siya sa reyalidad sa pagpasok ng 2020 dahil nauntog na sa katotohanan ang kanyang sponsor, kayod-marino na siya uli ngayon dahil wala na siyang puwedeng asahan.

Kahit maliit pa lang ang kanyang kinikita ay lume-level na sa mga kasabayan niya ang hunk actor dahil sa kanyang sponsor.

Kuwento ng isang source, “Saan ka naman makakakita ng isang artista na maliit pa lang naman ang talent fee, pero nakikipagsabayan na sa madadatung na artista ang lifestyle?

“Nakatira ang family niya sa magarang bahay, tatlo ang kotse niya, may motor pa, saan galing ang mga ‘yun na panggranatsa niya?

“E, kailan lang naman siya nagkaroon ng regular show? At magkano lang ba naman ang talent fee niya sa seryeng ‘yun? Nakapagtataka, di ba naman?” napapailing na chika ng impormante.

Pero nauntog na sa katotohanan ang sponsor ng hunk actor, nagdesisyon na itong bumitiw sa ilang buwan din nilang pagiging “close.” Kailangan nang magbanat ng buto ngayon ang sinuwerteng hunk actor nu’n.

Kuwento uli ng source, “May natikman siyang sobrang sarap ng buhay nu’n, kaya kailangan din niyang kumayod ngayon, dahil tapos na ang maliligayang araw niya!

“Kasi naman, kung anu-anong panunumpa ang sinasabi niya na nag-iisa lang sa puso niya ang kanyang sponsor, pero meron naman pala siyang ginagawang siguradong ikagagalit nu’ng taong ibinibigay sa kanya ang lahat-lahat ng magustuhan niya!

“Ang nakakaloka pa, nu’ng mabuking na ng sponsor niya ang milagrong ginagawa niya sa pamamangka sa dalawang ilog, e, siya pa ang may ganang magyabang!

“Wala raw siyang utang na loob sa sponsor niya, kung meron daw, e, ilistang lahat ‘yun ng sponsor niya at babayaran niya!

“Maghamon pa ba? Ayun, kailangan na nilang umalis nang ora-orada sa bahay na tinitirhan nila na ang may-ari, e, ang sponsor niya!

“Nakiusap pa ang mother niya na huwag daw sanang mauwi sa hiwalayan ang pagiging super-close nila, pero close na rin ang utak nu’ng sponsor niya sa mga pakiusap!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Naku, bagay na bagay sa kanila ang serye kung saan kasama ang hunk actor! May kaagaw kasi ang sponsor niya, ‘yung female personality na matagal na kunong walang karelasyon, kaya uhaw ang lupa sa ulan!” napapailing na pagtatapos ng aming source.

Naku, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, mahihirapan kayong manghula kung sino ang hunk actor, pero ang girl, kilalang-kilala n’yo! Aysus, kabarus, Vito Cruz, Sta. Cruz!
* * *

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending