Bakit napasugod si Billy sa shooting ni Coleen sa Palawan?
DALAWANG taong hindi naging aktibo sa showbiz si Coleen Garcia at hindi rin siya masyadong nagpo-post sa social media kaya siguro inisip ng netizens na may pinagdadaanan siya.
Si Coleen ang bida sa pelikulang “Mia” na mapapanood na sa Enero 15 mula sa Insight 360 Films, sa direksyon ni Veronica “Roni” Velasco.
Sa presscon ng movie nitong Biyernes nakausap namin ang akrres at nasabi nga niya na gusto ng asawa niyang si Billy Crawford na maging tahimik ang buhay niya ngayong married na siya at pagsilbihan ang asawa at namnamin ang pagiging maybahay.
Pero mali ang intindi ng ibang tao sa pananahimik ng aktres dahil inakala nilang hindi na siya masaya sa piling ni Billy kaya hindi na maganda ang itsura nito, kaya pinatulan ng TV host-actor ang pumuna sa asawa.
Pagkatapos ng presscon ng “Mia” ay tinanong namin si Coleen tungkol dito, “Hindi ko nga alam na sumagot siya (Billy) kaya hindi ko alam kung anong isinagot niya. People can only judge on what they see and to be fair, I haven’t been showing anybody anything in the past two years na talagang naging tahimik ako.
“Kumbaga I kept everything to myself kasi hindi ako masyadong active sa showbiz for the past two years so tumahimik ako, so maybe they took it as a sign? Hindi ako masyadong nagpo-post ng picture na nakangiti, kaya siguro they put into together,” pahayag ni Mrs. Crawford.
Baka rin nagbase ang observers sa karakter ni Coleen bilang si Mia na depressed at tanging halaman lang ang kinakausap. Gaano kalapit ang karakter ng aktres sa pelikula sa totoong buhay?
“May part sa akin na inilabas ko sa movie to bring Mia to life and a lot of it added also na hindi from me, but I feel that there’s a part of me then na si Mia pero hindi ‘yung buo.
“Si Mia kasi may spunk but she’s also very hostile when it comes to other people hindi siya ‘yung basta nagwe-welcome ng tao sa buhay niya, ‘yun naman ang difference namin kasi I love having people in my life at ito lang talaga kasama niya si Bru (bromeliad plant),” esplika ng aktres.
Sa totoong buhay ba ay mahilig siya sa halaman? “’Yung Christmas tree namin last (2018), it was all bromeliad, ang gumawa no’n si Gideon Hermosa (events stylist). It was bago ko natanggap ‘yung role na Mia. So, parang nagkaroon ng good omen, good side para sa akin ‘yung bromeliad.
“And to answer your question, yeah, mahilig ako sa halaman kaya lang wala kaming masyadong halaman sa house kasi may cats kami,” natawang kuwento ni Coleen.
Ayon sa producer ng “Mia” na si Chris Cahilig ay si direk Roni at ang team niya ang pumili ng bromeliad.
“Explanation nasa first part ng movie. Ha-hahaha! Very pivotal ang role ni Bru sa movi, as in,” sabi sa amin.
Tsika sa amin, habang sinu-shoot ni Coleen ang pelikula sa Palawan ay dumating si Billy dahil mukhang miss na miss na nito ang asawa.
“Alam mo ba parang honeymoon stage sila sa sweetness as in dinayo ni Billy ang kadulu-duluhan ng Palawan just to see Coleen,” sabi sa amin.
Sa pagpasok ng 2020 ay buena mano sa local films ang “Mia” released by Viva Films at bago ito mapanood ay may mall tour ang cast sa SM Dasmariñas (Jan. 11), Fishermall Malabon at Quezon Avenue branch (Jan. 12). At may nlNational Mia’s Day din sa Enero 13 sa SM Megamall cinema 1.
Nabanggit din ni Coleen na pagkatapos ng promo ng movie at maipalabas ito ay tatakbo naman siya ng Benguet kung saan lockout siya for 28 days para sa unang horror movie na gagawin niya kay Direk Rahyan Carlos produced din ng Viva Films.
Anyway, kasama rin sa pelikulang “Mia” sina Edgar Allan Guzman, William Martinez, Star Orjaliza, Jeremy Domingo, Sunshine Teodoro, Pau Benitez Xenia Barrameda at Yayo Aguila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.