Bitoy bibida nga ba sa live action remake ng Voltes V? | Bandera

Bitoy bibida nga ba sa live action remake ng Voltes V?

Bandera - January 03, 2020 - 12:20 AM

MICHAEL V

UMABOT na sa mahigit 1 million views ang teaser ng live action adaptation ng classic animated series na Voltes V ilang oras lang matapos itong ma-post sa Facebook.

Mapapanood na ito very soon sa GMA 7 na ididirek ni Mark Reyes. Ipinalabas ang full teaser ng Pinoy version ng Voltes V Legacy sa ginanap na Kapuso New Year countdown.

Siyempre, na-excite ang mga televiewers sa pagbabalik-telebisyon ng nasabing anime series na magiging live action na nga this year “licensed by Japan’s own Toei Company, Ltd. through its Philippine-licensor Telesuccess Productions, Inc.”

In fairness, bukod sa milyun-milyong views na nahamig nito, habang sinusulat namin ang balitang ito, umabot na sa 38,000 shares, 50,000 reactions at more than 7,300 comments ang nasabing video.

Mapapanood dito ang sikat na sikat noong giant robot na si Voltes V na may limang bahagi at nagbo-volt in para makipaglaban sa mga kaaway. Bumilib naman ang mga netizens sa teaser dahil mala-Hollywood nga ang atake nito. Ayon kay Direk Mark, na siya ring nasa likod ng matagumpay na Encantadia, isang “dream project” ang ipinagkatiwala sa kanya ng GMA.

Samantala, isa ang Kapuso comedian na si Michael V ang nagpahayag ng kanyang excitement sa Voltes V Legacy live adaptation. Aminado si Bitoy na isa siyang Voltes V fan.

Ni-repost niya ang teaser sa kanyang Twitter account na may caption na, “Veeeery promising! Excited for this one. Let’s volt in!”

Kasunod nito ang tanong mula sa kanyang fans kung magiging bahagi siya ng proyekto kasabay ng pagkalat ng kanyang litrato na naka-costume ng Voltes V. Wala pang ibang detalyeng inilalabas ang Kapuso Nework kaya excited na ang mga manonood kung sinu-sino ang bibida sa nasabing proyekto.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending