'Jusko! Huwag Naman Po Sanang Mangyari! Kawawa Ang Mga Pinoy!' | Bandera

‘Jusko! Huwag Naman Po Sanang Mangyari! Kawawa Ang Mga Pinoy!’

Alex Brosas - August 02, 2013 - 01:29 PM

Manny Pacquiao INQUIRER

 

Tila na-misquote si Manny Pacquiao sa isang interview kung saan sinabi niyang gusto niyang tumakbo bilang presidente ng ating bansa. But just the same, marami ang against sa kanyang plano. Katakot-takot na panlalait at pang-ookray ang inabot ng Pambansang Kamao dahil dito.

“Anu na namang pumasok sa utak nya. maghunos dili ka pakyaw wala kana sa lugar. think before you decide. hindi ibig sabihin na sikat ka marami nang susuporta sayo, at isa na ako don sa hindi susuporta sayo dahil kahit yung magagaling na at mas may alam pa sayo hirap ngang ibangon ang pilipinas kaw pa kaya pasensya na im just being honest about what i fell towards you.
“Hindi naman sa hinuhusgahan kita but this is for the welfare of the filinos in the coming years especially future ng mga bata ng mga anak at magiging anak natin,” sabi ng isang hindi nakapagpigil sa kanyang emosyon.

“Diyos ko po wag naman sana mangyari!! kawawa naman ang pilipinas pag xa ang naging president,” sabi naman ng isa pang ayaw sa plano ni Pacman.

“Hahaha….gumising ka nga…mag isip isip din pag may tym…marameng english ang kakailanganin mo. hahahaha!” tili naman ng isa pa.
Ayan, ngayon pa lang alam mo na kung feel ka o hindi ng tao para sa pagka-presidente, Pacman. Kaya, tatakbo ka pa ba?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending