Jennylyn, Dennis nakipag-bonding kay Yorme, nag-perform sa ‘kartilya’ ng Maynila
NATUPAD na sa wakas ang isa sa mga dream content ng magdyowang Dennis Trillo at Jennylyn Mercado para sa kanilang YouTube channel.
Sa kanilang latest vlog, sumabak ang Kapuso couple sa ilang challenge sa gitna ng Christmas rush sa Maynila, kabilang na riyan ang pakikipagchikahan nila kay Mayor Isko Moreno.
Ilan sa mga ginawa nina Dennis at Jen ay ang pagba-busking sa Kartilya ng Katipunan Memorial Shrine sa Manila.
Dito nga napatunayan ng magkarelasyon na ang dating nanggigitatang Kartilya ng Maynila ay super linis na.
Sa ipinost nilang 24-minute video sa YouTube makikita ang pakiki-jamming nila sa ilang Manileño na game na game sa kantahan. Kasunod nito ay ang pagpunta nila sa opisina ni Yorme.
Chika ni Jennylyn, “Bilang pasasalamat mag-courtesy call kami.” Hirit naman ni Dennis, “Siyempre, respeto rin sa Mayor ng Maynila.”
Sobrang na-appreciate naman ni Mayor Isko ang pagbisita ng magdyowa sa Maynila lalo na ang ginawa nilang pagpe-perform sa kanyang constituents.
“Sa inyo, thank you dahil sumaya ‘yung mga tao,” ani Yorme kasabay ng pagbabahagi sa mga susunod niyang plano para sa Manila.
“You know Jones Bridge where you can see the riverside? We have an idea like Clarke Quay and Boat Quay in Singapore. We’re gonna do that. I just approved the plan,” kuwento ni Mayor Isko.
“Magiging walkable space na ang buong Lawton and if you wanna cross Intramuros you have to use underpass.
“We are now remodelling the underpass and tried to clean it up. We’re going to develop Binondo, the heritage site,” lahad ng dating matinee idol.
“Yung Pasig River natanggal na ‘yung mga bulok na barko doon, nilinis namin. We’re really trying to do our best,” dagdag pa ni Yorme.
Sa huling bahagi ng video, muling nag-thank you sina Jen at Dennis dahil nakapag-perform sila sa Kartilya at nakakuwentuhan nila si Mayor.
“At sa lahat ng mga tumulong sa amin para makapag-perform kami rito, and of course kay Yorme, maraming maraming salamat,” pahabol ni Jen.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.