HAPPY holidays! Ma’am sorry sa abala ha. Need ko lang sana reply mo thanks.
Magandang araw po sa inyo Ms. Liza. Palagi ko pong nababasa ang Aksyon Line, at nagbabakasakali lang po na matulungan din po sana ako ng Aksyon Line regarding po sa aking PhilHealth.
Ako po si Lita Soliman, 66 years old na po at taga Nueva Ecija. Diabetic po kasi ako at may maintenance na gamot, may dalawa po akong anak at may kanya-kanyang pamilya na rin po kaya hindi ko na po maasahan na magbibigay sila ng pambili ng gamot at pampacheck-up. Ang asawa ko naman po matagal na rin pong tumigil sa trabaho dahil na rin po sa katandaan. Manghihingi po sana ako ng tulong kung paano makakakuha ng libreng gamot at check-up sa mga ospital. Sana po ay matulungan ninyo po ako. Maraming salamat po. More power po.
***
REPLY:
Sa ilalim po ng UHC law na ipinatutupad ng PhilHealth, lahat ng Pilipino ay magkakaroon na ng Primary Care Benefit Package at ma- aassign sa isang Health Care Provider para sa benepisyong ito.
‘Yan ang layunin ng batas na bawa’t isa sa atin ay makakapagpakonsulta sa isang doctor para maagapan na agad ang pagkakasakit.
Ngunit yan ay unti unti pa lamang na ipinatutupad. Kasama na diyan ang libreng check-up, ilang diagnostic procedures at mga take home medicines.
Sa ngayon ay sinusimulan na ang pagpapa-accredit ng mga pasilidad na kayang sumali at magbigay serbisyo na nakapaloob sa Expanded Primary Care Benefit Package (E-PCB) ng PhilHealth. Makipag ugnayan po kayo sa PhilHealth Action Center sa (02)8-4417442.
Kayo po ay isang senior citizen na at siguraduhing nakapagparehistro na sa PhilHealth dahil may libreng coverage na ang mga senior citizens sa ilalim ng programa. Kung kaya’t entitiled ka na rin po sa hospitalization benefits.
***
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferb log1977@ gmail.com.•Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
***
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.