Liza naibili na ng sariling bahay ang ama, binigyan pa ng house & lot ang lolo’t lola sa Amerika
PARA sa amin ay pinakamaganda sa lahat ng kanyang mga kakontemporaryo si Liza Soberano. Meron siyang lipstick commerical na kapag ipinalalabas ay hinihintuan namin para matitigang mabuti.
Napakaganda ni Liza, ibang-iba ang ganda niya sa iba, may kakambal na class ‘yun kahit pa sabihing pangmasa naman ang tambalan nila ni Enrique Gil.
At tulad ng kanyang manager na si Ogie Diaz ay marunong humawak ng kanyang mga pinaghihirapan ang magandang young actress. Ngayon pa lang ay pinaghahandaan na niya ang kanyang kinabukasan.
At hindi lang para sa kanyang sarili ang mga preparasyon ni Liza, kundi para sa kanyang pamilya, hindi niya sinosolo lang ang lahat ng mga biyayang dumarating sa kanya.
Dito sa Pilipinas ay nakapagpundar na siya ng bahay para sa kanilang mag-ama, sa Amerika ay nakabili na rin siya ng bahay para naman sa kanyang lolo at lola na nagpalaki sa kanya, isa sa pinakamalaking kaligayahan ni Liza sa taong ito ang naipundar niyang bahay sa Amerika.
Napakaraming dapat ipagpasalamat ni Liza Soberano sa takbo ng kanyang career. Kumikita ang mga ginagawa niyang pelikula kasama si Enrique Gil, nagre-rate ang mga ginagawang serye ng LizQuen, wala na nga siyang mahihiling pa.
Tanong ng kaibigan naming propesor, “I’m so happy for Liza Soberano, alam niya kung saan napupunta ang kinikita niya, nand’yan ang pruweba sa mga properties na naipupundar niya.
“Nagpasalamat siya kay God, sa ABS-CBN, sa mga endorsements niya, sa mga fans, but where is her manager Ogie Diaz in the list?” tanong ni prop.
Oo nga naman. Pero hindi na namin ‘yun binigyan ng pansin, alam naman namin kung gaano katindi ang tulong na ginagawa sa kanya ni Ogie Diaz, given na ‘yun para sa amin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.