Pasaway na aktres nagrerebelde; iniwan ng dyowang aktor sa ere | Bandera

Pasaway na aktres nagrerebelde; iniwan ng dyowang aktor sa ere

Cristy Fermin - December 28, 2019 - 12:56 AM

MARAMING nagtataka-nagtatanong kung ano talaga ang gustong mangyari sa kanyang buhay ng isang popular na female personality. Nagiging pasaway na kasi siya.

Pagpansin ng maraming malapit sa babaeng personalidad ay parang gusto niyang mapaiba sa kanyang mga kaliga, may mga nagpapayo sa kanya, pero hindi niya naman ‘yun pinakikinggan.

Kuwento ng isang source, “Para kasing nawawalan na siya ng pag-asa na babalik pa ‘yung init ng career niya. Mula kasi nu’ng umalis na ang boyfriend niya sa poder ng nag-aalaga sa kanilang loveteam, e, talagang naapektuhan siya!

“Lumamlam ang career niya, parang nawala na siya sa gitna ng competition, lalo na’t wala pa namang plano ang management agency nila para sa kanya,” simulang chika ng aming impormante.

Mula nu’n ay kung anu-ano na ang mga pinaggagagawa ng young female personality, kung ano ang maisipan niya, go na agad siya nang hindi man lang nag-iisip kung ano ang magiging resulta nu’n sa kanyang personalidad.

Patuloy ng aming source, “May katigasan ang ulo ng girl, maraming nagpapayo sa kanya na manahimik na lang muna para may mystery ang career niya, pero hindi siya nakikinig.

“Talagang nagpapapansin pa rin siya, pictorial siya nang pictorial ng sarili niya, post siya nang post, na para bang may gusto siyang patunayan kung ano!

“Sayang na sayang ang girl na ‘yun dahil magaling na siyang umarte, e, matalino rin siya. Sana, gamitin niya sa tama ang katalinuhan niya, hindi tulad ng ganyan na para bang hopeless na siya sa mga pinaggagagawa niya sa sarili niya.

“Tama ang payo sa kanya ng mga nagmamalasakit sa kanya, manahimik lang muna siya, ‘yung walang nakikita ang mga tao sa kanya. May mystery ang ganu’n, para sa pagbabalik niya, may kinasasabikan ang publiko sa kanya.

“Sayang na sayang talaga ang girl na ito, kontra sa tiyempo ang mga ginagawa niya, feeling niya kasi, e, iniwan siya sa ere ng ka-loveteam niya. Sa lalaking ‘yun kasi umiikot ang mundo niya, extension lang siya ng male personality na ‘yun, ganu’n ang feeling niya!” pagtatapos ng aming source.
Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, kahit walang clue, siguradong kilalang-kilala n’yo na kung sino ang babaitang ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending