Sexy Hipon: Sa amin, makabasag ka lang ng baso, sampal de gulat ka na!
HUMINGI ng tips at payo si Sexy Hipon o Harlene Budol sa tunay na buhay kay Thea Tolentino para mas maging effective ang kanyang pagiging kontrabida.
Kasama na ang co-host ni Willie Revillame sa Wowowin sa afternoon serye ng GMA na Madrasta at para nga mas maging mahusay na kontrabida, kinausap niya nang masinsinan si Thea.
“Kung pinanggigigilan n’yo po siya sa pinapanood n’yo, sa personal po talagang super bait niya po,” ani Herlene patungkol kay Thea sa isang online exclusive video mula sa set ng Madrasta.
“Miss Thea, paano po ba maging magaling na kontrabida? Dahil po kayo ‘yung number one maldita dito sa GMA,” ani Sexy Hipon.
Sagot ni Thea, naghahanap siya ng paghuhugutan ng kanyang emosyon, “Ilalabas mo lang talaga ‘yung mga hinanaing mo sa buhay. Tapos na imbis na ilabas mo sa totoong buhay, doon mo na lang ilabas sa eksena. Pero siyempre, huwag kayong papatay talaga ng tao.”
Dagdag pa ng Kapuso actress, para rin daw itong tacsiyapo, kung saan magbabato ng plato at iba pang babasagin na gamit sa dingding para mailabas ang galit at stress.
“Pero ang yaman mo, ah! Magbabato ka ng mga TV, mga plato. Sa amin, makabasag ka lang ng isang baso, sampal de gulat ka sa nanay mo. Baso lang na tigsasampung piso, mabasag mo lang kaltok, kurot na padugo na ‘yung abot mo. Ito pala ‘yung pinaghuhugutan niya,” hirit naman Herlene sa mga payo ni Thea.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.