Buntis na nga ba si Pauleen sa 2nd baby nila ni Bossing?
BUNTIS na nga ba si Pauleen Luna sa baby number 2 nila ni Bossing Vic Sotto? ‘Yan ang tanong ng ilang netizens sa TV host-actress dahil mukhang lumaki raw ang tiyan nito sa isang Instagram photo.
Nag-post si Poleng ng ilang litrato sa kanyang IG na kuha sa soft opening ng kanyang milktea business kamakailan. Napansin ng ilan niyang followers na medyo malaki ang kanyang tummy lalo na sa photo kung saan karga niya ang anak na si Tali. Sagot naman ng misis ni Vic, buntis daw siya sa kaiinom ng milktea.
Palagi namang sinasabi ni Poleng na ready na siyang magbuntis uli, “Isa sa mga Christmas wishes ko ‘yun na sana magkaroon pa ng another baby. [It] does not matter if it’s a boy or girl, basta magkaroon lang ng playmate si Tali. I’m ready. Well sana boy pero kahit ano ibigay ng Diyos siyempre,”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.