Makalipas ang 10 buwan, Ryza Cenon nakaipon ng P40K sa alkansiya
TULAD ng ilang ordinaryong Pinoy, naging inspirasyon din para sa madlang pipol ang ginawang pag-iipon ng Kapamilya actress na si Ryza Cenon sa kanyang alkansiya.
Sa kanyang Instagram account, proud na proud na ibinandera ni Ryza ang naipon niyang pera bago mag-goodbye ang 2019. Aniya, matapos ang halos 10 buwang paglalagay ng tigsisingkwenta, bente at piso sa kanyang alkansya ay umabot na sa P40,000 ang naipon niya.
Ipinost ng dalaga ang video sa kanyang IG kung saan makikita ang pagbibilang niya ng naipong pera at ang pinaglagyan niya ng mga ito na may caption na, “Naka-40K ako! Next year ulit! Game kayo? Sarap ng feeling na may ipon bago matapos ang taon! Merry Christmas & Happy New Year sa inyong lahat!”
Dahil dito, na-inspire rin ang kanyang social media followers na mag-ipon din sa pagsisimula ng 2020. Narito ang ilan sa mga comments ng netizens matapos mapanood ang video ni Ryza.
“Ang galing. May nagaalkansya pa palang artista.”
“Wow! Gayahin ko din to. Nakaka inspire. Hehe.”
“Wow gawin kona this 2020.”
“Nice one. Pero mas nice if sa bank dahil. my interest.”
“Tanong lang po di po ba bawal na po mag ipon ng coins? According to BSP kasi po nauubusan na po ang ating bansa.”
“Wow galing naman yan. sa akin nabawasan na dagdag bili ng laptop.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.