Dimples Romana mabenta sa b-day, halloween, Christmas party: Busog na busog ako!
In-acknowledge ni Vice Ganda na isa si Dimples Romana sa pinakasikat na celebrities this year because of her Kadenang Ginto character Daniela Mondragon.
“Alam mo ‘yung pakiramdam ng ano, paano ko ba ie-explain? ‘Yung dinasal mo lang nang mabilis kasi feeling mo naman di mo deserve. Kasi naisip ko kumpleto naman ang pamilya ko, okay naman kami. Ang wish ko lang naman ay basta lang may trabaho ako, mapag-aral ko lang mga kapatid ko, ‘yung pamilya ko magkakasama kami, okay na ako,” say ni Dimples sa Gandang Gabi, Vice last Sunday.
Marami ang na-inspire sa Daniela character ni Dimples, “I think sa lahat ng nangyari sa 2019 at feeling ko busog na busog na ako is ‘yung nakita ko na nag-birthday party sila at ang theme nila ay Daniela Mondragon. Nag-Halloween sila, Daniela Mondragon (ang peg). Nag-zombies si Daniela Mondragon. ‘Yung mga anak nila binihisan nila (ala Daniela).
“Pero ang naisip ko, ang pinakapangarap ko lang talaga ay maitawid ko lang siya nang maayos, magawa ko lang ‘yung trabaho ko nang maayos.
“Kapag pala ina-appreciate ng mga tao ang ginawa mo at ginawa nilang katatawanan at naging masaya sila doon, parang ‘yung saya nila ay saya ko na rin,” dagdag pa ni Dimples na isa sa cast ng “The Mall The Merrier.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.