Banta ni Duterte laban sa ABS-CBN wa epek sa VisMin
MORE Filipinos in the Visayas and Mindanao believe that ABS-CBN is the most trusted network sa pagbabalita sa telebisyon at pinagkukunan ng balita sa media sa buong bansa, ayon sa resulta ng isang independent non-commissioned survey, sa kabila ng mga banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi ire-renew ang franchise ng TV network.
According to PAHAYAG VisMin 2019 survey held from Nov. 15-19 where it asked 2,000 voters sa Visayas at Mindanao through random sampling, 70.9% ang nagsabing pinagkakatiwalaan nila ang ABS-CBN pagdating sa pagbabalita, samantalang 1.8 perecent lamang ang nagsabing hindi.
“Lumalabas na maliit lamang ang epekto ng mga banta ni President Duterte sa kredibilidad ng ABS-CBN sa mga taga-Visayas at Mindanao, kung saan pinagkakatiwalaan ng 86.5 percent ng populasyon ang Presidente, ayon sa mga numero ng aming surveys. Sa kabila ng alitan nito sa Presidente, ABS-CBN pa rin ang naghahari sa Visayas at Mindanao,” sabi ni Mr. Aureli Sinsuat, PAI Executive Director and spokesperson.
Sa kasalukuyan, nakabinbin ang mga ipinasang bill sa parehong chambers ng Congress para ma-renew ang ABS-CBN franchise ng 25 years, na nakatakdang mag-expire sa March 25, 2020, dahil sa oposisyon ni Duterte at iba pang miyembro ng administrasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.