Joem sa 8 years na relasyon kay Crisha: Kapag pinilit, mas magiging magulo Bandera

Joem sa 8 years na relasyon kay Crisha: Kapag pinilit, mas magiging magulo

Ervin Santiago |December 22,2019
share this

Joem sa 8 years na relasyon kay Crisha: Kapag pinilit, mas magiging magulo

Ervin Santiago | December 22,2019 - 01:10 AM

JOEM BASCON

“MAGIGING magulo lang kapag pinilit pa!” Ito ang komento ni Joem Bascon tungkol sa paghihiwalay nila ng kanyang vlogger girlfriend na si Crisha Uy.

Walong taong tumagal ang relasyon nina Joem at Crisha pero bigla na lang bumandera ang balita na nag-decide na silang tapusin ang kanilang pagsasama.

Sa panayam kay Joem ng ilang members ng entertainment media pagkatapos ng acoustic live session nila ni Yeng Constantino bilang bahagi ng promo ng pelikula nilang “Write About Love”. sinabi ng binata na para sa ikabubuti rin nila ang kanilang break-up.

“Hanggang doon na lang siya. Kapag pinilit pa, on my side siguro mas magiging magulo. So I guess hanggang doon ko lang talaga kaya. It’s a mutual thing na nag-usap na kami pero kailangan ko aminin sa lahat din para ‘di na rin maging tanong, it came from me talaga.

“Hanggang doon na lang po. Mayroon lang po siguro problema ako with myself, personal na hinahanap ko sa sarili ko. I guess I really had to decide kaysa masaktan ko pa lalo ang tao. Pero walang third party, all on me,” aniya pa.

Dagdag pa ni Joem, “I’m hoping na maging friends kasi maayos naman ‘yung pag-uusap. Pero wala naman kasing hiwalayan na hindi masakit. So masakit pa rin for both of us. Siguro lang ngayon, nakakausap niyo ako ng maayos kasi I’m busy with work. Sobrang busy ko na marami akong kasamang tao. Talagang dina-drown ko ‘yung sarili ko with trabaho and friends para lang hindi ko maiisip masyado ‘yung nangyari.”

“At least ngayon ito ‘yung nangyari kasi kung pinatagal ko or natuloy ‘yung mga plano with everything siguro mas mahihirapan kami at lalo pang masakit,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending