Relasyong Maine-Arjo 1 year na; Tuloy na sa kasalan ang ipinaglabang pag-ibig
KINUMPIRMA na ni Maine Mendoza ang estado ng relasyon nila ni Arjo Atayde. And yes, one year na silang magdyowa ni Arjo Atayde!
Inilantad ni Meng sa kanyang Instagram account ang picture nila ng boyfriend na may caption na, “Happy first.”
https://www.instagram.com/p/B6UI1VIldRq/
Nagkasama sa festival movie last year na “Jak Em Popoy” sina Meng at Arjo. After nito, sunud-sunod na ang balitang nagkakamabutihan na ang dalawa dahil madalas na silang nakikitang magka-date.
Hanggang sa nagsama na sila sa mga biyahe sa abroad, at ang recent nga ay sa California, USA.
Walang lokasyong nakalagay sa photo ni Meng sa IG. Makikita sila ni Arjo na nakasakay sa isang speedboat na tila nakatigil sa gitna ng dagat.
Pahayag ng Phenomenal Star sa nakaraang presscon ng 2019 Metro Manila Film Festival movie niyang “Mission Unstapabol,” wala nang dapat itago sa relasyon nila ni Arjo. Very open na siyang nakakapagsalita about the actor kahit alam niyang may mga magagalit na fans.
Pero nagpapasalamat siya sa kanyang loyal supporters na tanggap ang relasyon nila ni Arjo, lalo na ang fans nila ni Alden Richards, ang AlDub Nation na maligaya na para sa kanila ng kanyang boyfriend.
https://www.instagram.com/p/B6UWKXwnGkc/
Yun naman daw ang mahalaga, ang pagmamahal at suporta ng mga fans na kahit nawala ang AlDub ay patuloy pa ring nakasubaybay sa kanila ni Alden.
In fairness naman, may mga masaya rin naman sa relasyong Maine-Arjo at umaasa sila na sana’y sa kasalan na nga mauwi ang ipinaglaban nilang pagmamahal sa isa’t isa. Marami nga ang bumilib sa aktor dahil talagang hinarap niya ang lahat ng challenge para lang patunayan na tunay ang pag-ibig niya kay Maine.
Kung maligaya si Meng sa personal life niya, masaya rin naman sa kanyang career si Alden ngayon. Matapos gumawa ng history sa pelikulang “Hello, Love Goodbye” bilang highest grossing local film sa kasaysayan ng pelikula sa Pilipinas, humahataw din ngayon ang primetime series niya sa GMA na The Gift.
Pero nauna nang sinabi ni Alden sa isang panayam na very open na siyang magkaroon ng lovelife ngayon dahil ito na lang marahil ang kulang sa kanya.
Para naman sa mga AlDub fans na hindi pa rin sumusuko hanggang ngayon, some good things never last talaga pero naniniwala kaming puwede pang magsama uli sa isang project sina Alden at Maine.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.