Gretchen may binayarang personalidad para wasakin sina Marjorie at Julia? | Bandera

Gretchen may binayarang personalidad para wasakin sina Marjorie at Julia?

Cristy Fermin - December 19, 2019 - 12:30 AM

GRETCHEN, JULIA AT MARJORIE BARRETTO

MAY mga kuwentong kinasasangkutan ngayon si Gretchen Barretto na siguradong magsasalba sa pangalan ng mag-inang Marjorie at Julia Barretto.

Nalantad kasi ang kuwento na ginastusan ni Gretchen ang “paninira” sa kanyang kapatid at pamangkin. Meron siyang pinadalhan ng datung para lang huwag tantanan ng ilang manunulat sina Marjorie at Julia.

Bukod sa kanyang mga personal na posts sa kanyang mga social media account ay binabak-apan pa ‘yun ng mga bira laban sa mag-ina.

Paano ‘yan ngayon? Nagsalita na ang mga taong napag-utusan niyang birahin nang husto sina Marjorie at Julia? Lumalabas tuloy na talagang pinaghandaan niyang mabuti ang mga negatibong kuwento tungkol sa mag-inang kalaban niya?

Ngayong lumabas na ang totoo ay puwedeng idenay ni Gretchen ang istorya, ilalabas niya siyempre ang kanyang sarili sa gulo, puwede niyang palabasin na pinadalhan lang niya ng regalo ang mga taong nakatanggap ng biyaya mula sa kanya.

Nakakaloka ang ganitong kuwento, talagang pera-pera pala ang pinagagalaw ni Gretchen, kung isandaang porsiyentong totoo nga ang lumabas na istoryang pinagkagastusan niya talaga ang paninira sa mag-ina.

Sarili niyang kapatid, dugo ng kanyang dugo, saka mismong pamangkin niya sina Marjorie at Julia.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending