Yam Concepcion, Joseph Marco bida-kontrabida sa 'Uncoupling' ng iWant | Bandera

Yam Concepcion, Joseph Marco bida-kontrabida sa ‘Uncoupling’ ng iWant

Ervin Santiago - December 18, 2019 - 12:43 AM

TIYAK na maraming makaka-relate sa kuwento ng bagong iWant original series na “Uncoupling” na pinagbibidahan nina Yam Concepcion at Joseph Marco.

Posible nga bang makapag-move on ang magkahiwalay na mag-asawa habang magkasamang nakatira sa iisang bahay?

Yan ang sasagutin ng kakaibang kwento ng “Uncoupling” na tatalakay sa pagdaraanan ng mag-asawang susubukang maging magkaibigan at tumira sa iisang bubong pagkatapos mauwi sa hiwalayan ang kanilang pagsasama – alang-alang sa nag-iisa nilang anak.

Ilang taon nang sinusubukan ng high school sweethearts na sina Alex (Yam) at Carlo (Joseph) na salbahin ang kanilang relasyon at pamilya. Kaya naman bago ang anniversary nila, magdedesisyon ang dalawang buwagin ang pagsasama habang kasama pa rin ang anak.

Magsisimulang gumulo ang lahat dahil habang nakahanap na ng masasandalan si Carlo sa bago niyang girlfriend, patuloy namang makikipag-date si Alex habang dala-dala ang sakit na idinulot ng pagkawasak ng kanilang relasyon.

Pero lalo pang magiging kumplikado ang sitwasyon dahil kalauna’y makikialam na ang kanilang mga biyenan para masigurong magkakabalikan ang mag-ex. Alam n’yo naman ang magiging sitwasyon kapag pumasok na sa eksena ang mga in laws, di ba?

Paano poprotektahan nina Alex at Carlo ang anak nila mula sa gusot ng kanilang samahan? Posible pa bang magkasundo ang nagbabanatang mag-asawa matapos sabihing wala nang forever para sa kanila?

Mapapanood na ngayong Biyernes (Dec. 20) ang bagong paandar na digital series ng iWant na siguradong patatawanin at paiiyakin ang mga manonood sa pagtatalakay nito ng mga problema ng mga mag-asawa ngayon.

In fairness, malakas din ang chemistry at magic sa screen nina Yam at Joseph. May kilig ang bawat eksena nila sa “Uncoupling” lalo na kapag nag-aasaran na sila bilang mag-ex.
Komento nga ng mga nakapanood sa ginanap na special screening nito kahapon, kering-keri rin pala nila ang sumabak sa romcom dahil effortless ang pagpapakilig nila sa viewers.

Mula sa iWant at Big Reveal Entertainment, ang “Uncoupling” ay mula sa direksyon ni Dwein Baltazar, ang siya ring nagdirek sa hit iWant original series na “Past, Present, Perfect?”

Siya rin ang nagsulat ng blockbuster movie na “Exes Baggage,” at nagwagi ng Best Director at Best Screenplay para sa pelikulang “Gusto Kita With All My Hypothalamus,” na siyang itinanghal na Best Picture sa Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) Awards 2019.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Libre nang mapapanood ang “Uncoupling” simula Dec. 20 sa iWant app (iOs at Android) o sa iwant.ph.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending