Resbak ni Regine sa Popsters: Sorry, but you guys are breaking my heart…
NA-HURT ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez sa masasakit na salitang ibinabato ng ilang fans ni Sarah Geronimo laban sa kanya at sa kapatid at manager na si Cacai Mitra.
Nagsimula ang issue nang mag-post si Cacai sa kanyang Twitter account at ibinalitang halos soldout na ang tickets sa Valentine concert nina Regine at Sarah sa February, 2020. Ayon sa ilang Popsters, bakit daw sinosolo ng kampo ng Songbird ang credits sa mabilis na bentahan ng tickets para sa “Unified” concert na magaganap sa Feb. 14 and 15 sa Araneta Coliseum.
Last Sunday sinimulan ang pagbebenta ng tickets online at kahapon nga ay nag-tweet ang I-Music Entertainment (IME) executive na si Cacai na isa rin sa producers ng “Unified”. Aniya, “#UNIFIED Tickets as of Dec 15 11pm Less than 12 hours and we’re almost sold out except for the Upperbox and GA!!! Yehey!!! @reginevalcasid @vivaliveinc.”
Dahil dito, umalma ang fans ni Sarah at nagreklamo kung bakit hindi naka-tag sa tweet ni Cacai ang Popstar Royalty. Anila, isang “collaboration” ang concert at hindi “solo” ni Regine kaya nakaka-offend hindi lang para sa kanilang mga Popsters ang tweet ni Cacai kundi pati na rin kay Sarah at talagang ipinamukha pa nila sa kapatid ni Regine na sila ang dahilan kund bakit ganu’n kabilis ang bentahan ng tickets sa “Unified” concert.
Nang mabasa ng Songbird ang mga hinaing at masasakit na akusasyon ng mga supporters ni Sarah, agad niyang ipinagtanggol si Cacai at sinabing posibleng hindi nito alam may Twitter account si Sarah kaya hindi ito nai-tag. Aniya, sa dami ng concert na nagawa niya ngayon lang nagkaroon ng ganitong isyu.
“Gusto ko lang sabihin na sa lahat ng concert na gagawin ito Lang ang may issue. My sister probably didn’t know Sarah has a tweeter account and you guys are making such a big dial (deal) about it. Obvious ba na collab ito naka tag viva right?
“Sa dinami dami kong collab na ginawa ngayon lang kami na akusahan na we are taking all the credits.
“Nakaka disappoint I have never experienced this. And I have worked with a lot of artists. Sorry but you guys are breaking my heart (three heartbreak, three crying emojis).”
Kasunod nito, kinampihan ng ilang fans ni Sarah ang Songbird at sinabing mukhang honest mistake lang talaga ang nagawa ni Cacai at walang masamang motibo. Anila, hindi tamang pag-awayin sina Sarah at Regine nang dahil lang sa maliit na issue. Matagal nang “magnanay” ang turingan ng mga ito at siguradong hindi rin magugustuhan ni Sarah kung aawayin nila ang Songbird.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.