Si boylet may iba, si bakla na-insecure | Bandera

Si boylet may iba, si bakla na-insecure

Beth Viaje - December 11, 2019 - 12:15 AM
DEAR Ateng Beth,
Kamusta naman po kayo? May isasangguni po akong problema. May karelasyon po ako ngayon, four years na po kami. Medyo bata po sa akin ang BF ko. Eight years po ang tanda ko sa kanya at second year college pa lang siya.
Ako naman may sariling parlor at carinderia. Hindi ako tapos ng college pero nagsisikap naman para makataguyod ng pamilya.
Kaya lang recently may nabisto ako sa BF ko, meron siyang babae. Tinanong ko siya, sabi niya kaibigan lang daw niya. Pero ano ba naman ang gagawin ng bakla kundi mainsecure. Iniisip ko baka naman pinagkakaperahan lang ako. Pero love ko talaga siya. Di ko alam mangyayari sa akin pag nawala siya.
–Henrriet

Dear Henry este Henrriet,
Sabi mo nga, ano ba naman ang magagawa ng isang tulad mo kundi mainsecure. Syempre kahit sino namang nasa isang exclusive na relasyon, kesehodang straight man siya, o kasapi ng LGBT, ay maiinsecure kapag may kahati sya, di ba?
At syempre rin, di naman aamin si boyfriend kung may babae nga sya. Meron bang nangaliwang umamin? Kahit putulan mo yan ng ano….ng daliri, di yan aamin, di ba?
So ikaw na nakadiskubre, ikaw na ang magpasya. Di mo kayang mabuhay pag nawala sya, so OK lang mamatay araw-araw kahit alam mong niloloko ka na n’ya?
May pamilya ka, sila ang dahilan ng iyong parlor at carinderia, so baka pwedeng sila na lang muna ang pagtutunan mo ng pansin? Syempre hindi naman lahat ng bagay makukuha natin, kung baga pa sa artista – career or love life?
So dun ka na lang muna sa kung saan magaling ka. Dedma na muna sa kung saan nasasaktan ka. Mahirap tanggapin ang katotohanan, pero kahit di naman natin tanggapin, yun pa rin ang totoo so might as well live with it, di ba?
Gudlak na lang sayo, ‘teh. Sana makaisip kang piliin yung bagay na mas may pakinabang ka at ang pamilya mo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending