outbrain

Steve Harvey na-wow mali uli sa Miss U 2019; Miss PH biktima na naman

By Ervin Santiago December 09,2019
share this

Steve Harvey na-wow mali uli sa Miss U 2019; Miss PH biktima na naman

By Ervin Santiago December 09,2019
share this

NA-WOW mali na naman ang host na si Steve Harvey sa katatapos lang na Miss Universe 2019 grand coronation na ginanap sa Tyler Perry Studios sa Atlanta, Georgia, USA.

Na-bad trip ang mga netizens sa tila sinadya raw na pagkakamali ni Harvey sa pag-announce sa pangalan ni Miss Philippines Gazini Ganados na siyang nanalong Best National Costume.

Bago rumampa ang napiling Top 10 finalists sa kanilang swimsuit competition, inihayag ni Steve ang nanalo sa Best National Costume, “Here’s a look at the winner, Philippines,” aniya.

Ipinakita pa sa big screen na nasa likod ng stage ang picture ni Gazini suot ang kanyang Philippine eagle-inspired costume na ginawa ni Cary Santiago. Ngunit nang ipakita muli ang host ang katabi nito ay si Miss Malaysia, with her Malacca-inspired national costume. Hirit kay Steve ni Miss Malaysia, “It’s not Philippines, it’s Malaysia.”

Agad namang nagpaliwanag ang host sa kanyang pagkakamali, binasa lang daw niya ang nakasulat sa teleprompter, “I just read that in the teleprompter.

“Ya’ll gotta quit doing this to me, I can read… instead, now they tryin’ to fix it. See, this what they did to me back in 2015, played me short like that.”

Ang tinutukoy niya ay maling announcement niya noong Miss Universe 2015, sa halip na ang isigaw ay ang pangalan ni Pia Wurtzbach ng Pilipinas ang tinawag niya ay si Ariadna Gutierrez ng Colombia.

Dahil sa bagong pagkakamali ni Steve Harvey sa announcement ng Best National Costume, marami ang nag-comment na parang sinasadya na ito ng organizers. May ilan pa ngang nagsabing pambu-bully na ito sa kandidata ng Pilipinas at ang iba naman ay napamura pa.

Tweet nga ng Kapamilya TV host na si Bianca Gonzalez, “Wait sorry am still confused. So why did Steve Harvey announce that Philippines won Best National Costume, and it was Gazini in the photo on screen, but it was Malaysia who was physically beside him? Miscomm ba? Prank ba? #MissUniverse2019.”

Sabi naman ng isa pang netizen, “#MissUniverse2019 really showed Gazini Ganados’ National Costume after she wasn’t called for Top 10. STOP USING PHILIPPINES FOR CLOUT. YA’LL DIRTY.”

“F***K YOU @MissUniverse FOR MAKING FUN OF OUR NATIONAL COSTUME, ITS NOT A GOOD JOKE!” pahayag naman ng isa pang Pinoy.

Comment ng isa pa, “WTF #MissUniverse2019 what is happening?! You even messed up announcing the Best National Costume! Malaysia won and the Philippines was in the screen and teleprompter!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending