Bong, Lani sa pagpapakasal ni Jolo: Sigurado ka na? Forever na yan!
NAKAALIS na si Bacoor City Mayor Lani Mercado patungong Amerika para sa kasal ng anak nitong si Cavite Vice Governor Jolo Revilla kay Angelica Alita.
Ikakasal via Christian ceremony sina VG Jolo at Angelica sa Pelican Hills, California on Dec. 15. Kasabay ni Mayor Lani lumipad pa-US ang kanyang mister na si Sen. Bong Revilla, Jr. at mga anak nila.
Kakaiba ang magaganap na wedding ni Jolo kumpara sa unang anak nina Lani at Bong na nagpakasal, si Inah Revilla-del Rosario na ikinasal kay Vincent del Rosario nu’ng May 28, 2008.
“Well, this is something different kasi, sa labas ng bansa. Sabi ko nga, napaka-hectic,” lahad ni Mayor Lani.
This is also the first na magbabakasyon sila na kasama ang mga kapatid ni Sen. Bong except kay Antipolo, Rizal Mayor Andeng Revilla-Henares na siyang magbabantay sa kanilang ama na si dating Sen. Ramon Revilla, Sr..
“This is the first time na buong pamilya nandoon, for the longest time. Maliliit pa ang mga anak namin. Bata-bata pa kami noon nu’ng huli kaming nagbakasyon,” aniya pa.
Palaisipan naman sa ilan kung bakit sa US napili nina VG Jolo at Angelica na magpakasal.
“Sila ‘yung nag-decide, e. Sabi nga ni Kuya Marlon (Bautista, eldest brother of Sen. Bong). ‘Mukhang ginagaya talaga kayo, idol niya talaga si Papa niya.’ ‘Di ba ang unang kasal namin was in the States. But that was very solemn, very simple. Ito, he opted to do it in the States,” sabi pa ni Lani.
Maganda naman daw ang Pelican Hill na nasa California, USA. Hindi masabi ni Mayor Lani kung sino ang mas apektado sa kanila ni Sen. Bong sa pagpapakasal ni VG Jolo.
“Sino ang umiyak? Hindi ko pa alam. Kasi, of age na si Jolo. He is I think, 31? Oo, 1998 ko siya ipinanganak. Tama ba ang computation ko? Medyo limut-limot na ang lola mo. Ha-hahaha!” aniya pa.
Ano ang naalala niyang payo ni Sen. Bong kay Jolo? “Naku, hindi ko na maalala. Basta sinabi namin, sigurado ka na ba? Kasi, alam mo naman ang pagpapakasal hindi yan kapag napaso ka iluluwa mo parang mainit na kanin. So, it will be forever and he went naman through the right process of getting married.”
Tungkol naman sa mga ninong at ninang, ang daming nasa listahan nina VG Jolo at Angelica, “We fixed the guest list yesterday. Ang alam kong pupunta is Davao City Mayor Inday Sara Duterte, si Tacloban Cong. Martin Romuladez. Of course, sina Tita Rowena (Bacoor Councilor Mendiola-Bautista).
“Tita Princess (Revilla) niya, si Tita Gigi (dela Riva, wife of Marlon Bautista). Majority, politiko. Alam mo naman si Jolo, e, he’s very active sa public service life niya. Nandu’n din si (Cavite) Gov. Jonvic Remulla sa list,” aniya pa.
Pero wala raw mga “boss” from ABS-CBN and GMA ang kasama sa listahan ng Principal Sponsors sa wedding, “From the industry, ninong si Sen. Jinggoy (Estrada), Sen. Manny Pacquiao, ang proxy niya si Arnold Vegafria.”
Inilarawan din ni Mayor Lani sa amin si Angelica, “Sa pagkakakilala ko sa kanya, kahit siya ay beauty queen, simple siyang tao. She’s very supportive of Jolo. Nakikita ko na at ease si Jolo with her. Very, very supportive.”
Very supportive na partner daw talaga si Angelica kay Jolo, “Kasi, if she opted to be a career woman, malamang hindi niya pakakasalan si Jolo this year. And she vied for Binibining Pilipinas. Kasi she’s being groomed to be, to follow the footsteps of Catriona Gray. Kasi, nag-first runner up (sa Binibining Pilipinas) na siya before, e. Pero pinilli niya ang pag-ibig.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.