outbrain

Jomari binalikan ang 1st love na si Priscilla Almeda; ex-dyowa planong kasuhan ng cyber libel?

By Reggee Bonoan December 09,2019
share this

Jomari binalikan ang 1st love na si Priscilla Almeda; ex-dyowa planong kasuhan ng cyber libel?

By Reggee Bonoan December 09,2019
share this

“I’M in a relationship.” Ito ang inamin ni Jomari Yllana nang makausap namin kamakailan.

Ang karelasyon ngayon ng dating aktor na konsehal na ngayon sa Distrito 2 ng Parañaque City ay ang dating sexy star na si Abby Viduya na nakasama niya sa pelikulang “Guwapings: The Adventure” noong 1992 kasama sina Mark Anthony Fernandez at Eric Fructuoso.

Edad 16 noong nagkaroon ng relasyon sina Jomari at Abby na mas nakilala bilang si Priscilla Almeda. Edad 18 naman nang maging girlfriend ni Jom si Aiko Melendez na nabuntis niya. Nagpakasal sila hanggang sa ipanganak nga si Andrei Yllana.

Maraming babaeng dumaan sa buhay ni Jomari at hindi naman niya ito itinanggi pero nang magkaroon ulit sila ng komunikasyon ni Priscilla ay nagkaroon ulit ng positive vibes sa buhay niya.

“Kasi nu’ng nag-base siya sa Canada, nawalan kami ng communication tapos nu’ng bumalik siya rito, nagkita kami at nagkakausap. Masaya kasi, wala kaming pinag-uusapan kundi ‘yung mga nangyari noon, kaya tawa lang kami nang tawa,” masayang kuwento ng konsehal.
At dahil may relasyon na ngayon sina Jimari at Priscilla ay tinanong namin kung libre na ang dating aktres dahil nga may asawang naiwan sa ibang bansa with three kids.
“As far as I’m concerned, she’s legally single,” mabilis na sagot niya sa amin.

Kung gayon, walang nilalabag sina Jomari at Priscilla dahil pareho silang hiwalay ng legal, “Yes.”

Dagdag pa ng aktor, “If you will ask me regarding the details nu’ng sa kanila (Priscilla and husband), I have no right to tell you kasi sa kanila ‘yun.”
At ngayong nagkabalikan na sila ni Priscilla, “First love never dies? Ha-hahaha! Ganu’n ba ‘yun? Siguro nasa next chapter lang kami ng mga buhay namin ngayon. Meron din siyang pinagdaanan, meron din akong pinagdaanan.”

Tungkol naman sa lumabas na balitang inabandona niya ang dalawang anak na sina Jom Christiano Ayrton at Jom Christiano Fangio sa ex-partner na si Joy Reyes, itinanggi ito ni Jomari.

“I’d like to put it on record na since November, 2018, hindi na kami nagsasama at tahimik lang ‘yun. Although ‘yung paghihiwalay namin, ayoko ng detalye kasi maselan, although naghiwalay kami buntis siya. She’s three months pregnant sa bunso namin.

“’Yung settlement namin, nasa mababang court (barangay) sa BF Homes, legal document naman ‘yan. Nandoon naman kung saan sila titira, ‘yung sustentong ibibigay ko, pag-provide ng mga kailangan for the kids and to her (Joy),” pahayag ng aktor.

May lumabas na balitang P1,500 lang ang sustento niya sa dalawang anak na lalaki. Natawa muna ang dating aktor sabay sabing, “Hindi ‘yun totoo, transportation, shelter, clothing, groceries, utilities, lahat naman ‘yan, medical, may pirmahan. Legal documents ‘yan.

“Nitong nagkaroon kami ng settlement sa barangay, napagkasunduan din na hindi siya magsasalita nang hindi maganda sa social media during that time, pero nangyari nga. Tapos nagkaroon ng sitwasyon ngayon (nag-post si Joy sa social media at nagpa-interview sa online website), iyon naman ang dapat ayusin.
“Ngayon sa sitwasyon, kung ako naman ang tatanungin, baka puwedeng hindi ito pag-usapan sa publiko, pero nag-decide siya na mag-rant sa social media, puwede kong sabihin na garbage dump in public,” paglilinaw ni Jomari.

Bukod sa pa-service ni Jom ang mag-iina niya ay may tig-isang yaya pa ang mga anak niya bukod pa sa kasambahay. Nabanggit ding sagot ng dating aktor ang upa ng bahay na tinitirhan ngayon ng mag-iina.

Ayaw nang idetalye ni Jomari kung ano ang nag-trigger para tuluyan na niyang iwan ang ina ng dalawang anak, pero kung gusto raw itong malaman ng publiko ay nasa barangay ito ng Parañaque City at public document naman daw iyon.

Ang gusto lang mangyari ni Jom sa pagitan nila ni Joy, “Mag-usap kami nang maayos, nang tahimik, hindi ‘yung alam ng publiko kasi may mga bata, eh. Menor de edad, kung gusto niyang magsalita, huwag na niyang isama ‘yung dalawang bata sa picture.

Sabi pa niya, “Kung ilalagay mo sa legal, itong ginawang pagpo-post sa social media, mayroon itong tinatawag na cyber bullying kasi hindi siya sumunod sa settlement. Tapos ‘yung mga lumabas na interview, puwedeng libel kasi siniraan niya ako, hindi maganda on my part. Tapos may lumabas pa na may matrona ako, parang ano naman sa pagkatao ko.”

For the record, tatlo ang anak ni Priscilla sa ex-husband at tatlo rin ang anak na lalaki ni Jom, isa kay Aiko at dalawa kay Joy. Pahabol ni Jomari, “Sa tatlong taon naming relasyon (ni Joy), naging straight ako sa kanya, wala akong ibang babae.”
Bukas ang pahinang ito para sa pahayag ni Joy Reyes.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending