outbrain

Melai namigay ng pera sa mga mangingisda ng Antique

By Alex Brosas December 09,2019
share this

Melai namigay ng pera sa mga mangingisda ng Antique

By Alex Brosas December 09,2019
share this

MELAI CANTIVEROS

MABAIT pala at generous itong si Melai Cantiveros. We’re saying this because one netizen na taga-Antique posted a message of Melai’s generosity.

“I have met and brought some celebrities in Antique but Momshie Melai is one of those that I admire because of her good heart, sense of humor and being a true Filipina. Matapos nyang ma experience ang lambaklad fishing sa Malabor, Tibiao, namigay sya ng tig P500 sa 18 mangingisda.

“Ipinakita nya ang kanyang kagandahang loob matapos maranasan kung gaano kahirap ang buhay ng mga mangingisda noong Nobyembre 15, 2019. Kasama ang mga co-hosts na sina DJ JhaiHo and KaladKaren, pumunta sila sa laot habang umuulan at maalon. Matapos ang isang oras, limang talakitok at isang botete lang ang kanilang nahuli.”

That was the post which found its way into a website. Impressed na impress naman ang vlogger na si Darla sa kabaitan ng Magandang Buhay host.

“Posts like this make me love you so much more my deares Melai, @mrandmrsfrancisco. Alam ko ayaw mo talagang nilalabas tong mga ganto mo. Pero super proud lang talaga ako sa’yo isay. Ambot uy makahilak na lang jud ko kay wala juy nabag-o sa imo since the first time nga magkita ta paggawas ninyo sa balay ni Kuya. Well, mas gwapa lang jud ka karon. Hehehe! Love you prinsesa ng masa! God bless your kind heart always,” caption ni Darla sa isang photo.

Of course, well appreciated ng netizens ang ginawang iyon ni Melai.

“Love you melai laking bagay yan sa kanila God bless you more.”

“Maraming natutulungan yan…the best kumpara sa iba..kahit konti malaking bagay na yan sa mahihirap..generous heart like angel Locsin.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending