Aga payag mag-artista ang 2 anak sa 1 kundisyon…
Payag si Aga Muhlach na mag-artista rin ang kanyany mga anak na sina Atasha at Andres pero sa isang kundisyon.
Walang problema sa award-winning actor kung pasukin din ng kambal nila ni Charlene Gonzales ang showbiz, never daw niyang sinabihan ang mga ito na huwag na huwag silang mag-aartista.
“Hindi ko sila pinagbabawalan ever since. Iyon ang hanapbuhay ko, e. Iyun ang naglagay ng pagkain sa lamesa namin, nagbuhay sa amin lahat,” unang pahayag ni Aga sa ginanap na presscon kamakailan ng “Miracle In Cell No.7” na official entry sa 2019 MMFF.
“Ang sinasabi ko lang, tapusin lang ang eskuwela nila. Tapusin niyo iyan. Pag makatapos kayo, desisyon niyo na iyan.
“Pag nahirapan kayo, nasaktan kayo, hindi niyo ako masisisi, kasi hindi ako ang nagpasok sa inyo. Kasi masakit ang industriya natin.
“Sa industriyang ito, huhusgahan at huhusgahan ka parati. Hindi ko kayang maano na huhusgahan nila ang mga anak ko.
“Ngayon kung sila ang nagdesisyon, that’s fine. Kaya sinasabi ko, finish your college. Nasa tamang pag-iisip na sila, alam na nila, they decide. Sila na magdesisyon niyan,” seryosong chik pa ng aktor.
Samantala, proud na proud na ipinagmalaki ni Aga sa harap ng entertainment press na napakaganda ng pelikula nilang lalaban sa 2019 MMFF na idinirek ni Nuel Naval under Viva Films at showing na sa Dec. 25.
“Ito talaga, hindi masasayang ang ibabayad n’yo sa sinehan kapag nanood kayo ng ‘Miracle’. At natutuwa kami dahil bukod sa for General Patronage ito, Grade A din kami sa CEB,” pahayag pa ni Aga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.