Kontrobersyal na female celeb praning, mahilig manira ng kapwa babae | Bandera

Kontrobersyal na female celeb praning, mahilig manira ng kapwa babae

Cristy Fermin |December 09,2019
facebook
share this

Kontrobersyal na female celeb praning, mahilig manira ng kapwa babae

Cristy Fermin - December 09, 2019 - 12:20 AM

MAY ugali pala ang isang female personality na manggulo ng mga babaeng alam niyang malaking threat sa kanya. Hindi pa man ay tinatrabaho na niya agad ang babae, kung anu-anong kuwento na ang kanyang iniimbento, hanggang sa makarating ‘yun sa kanyang boyfriend.

Kunwari ay wala siyang alam sa mga nangyayari, nagkukunwari siyang inosente, pero ang totoo ay siya ang gumagalaw.

Kuwento ng isang source, “Sobra kasi siyang insecure. Maganda naman siya, matalino, kilala naman siya, pero kung bakit inaapuntahan pa siya ng pagiging insecure!

“Kapag alam niyang matitipuhan ng karelasyon niya ang isang girl, e, agad-agad na siyang gumagawa ng mga senaryong pailalim.

“Tatrabahuhin na niya ang girl, palalabasin niyang user, kahit hindi naman niya kilala ang pagkatao nu’ng girl! Natatakot kasi siyang maagawan!

“Natural, kapag nagba-bonding sila ng mga friends niya at nandu’n ang boyfriend niya, e, siya pa mismo ang magbubukas ng topic tungkol sa girl na kinaiinsekyuran niya!

“Siyempre, yes lang naman nang yes ang mga kaharap niyang kaibigan, para kasing kapani-paniwala ang mga kuwento niya. Hindi naman kumikibo ang guy, nakikinig lang sa mga kuwento niya!” unang chika ng aming impormante.

Nu’ng minsang dumalo sa isang party ng mga yayamanin ang kontrobersiyal na aktres at ang kanyang boyfriend ay nakasama nila sa mesa ang anak ng isang milyonaryong businessman.

Patuloy ng aming source, “Napansin niya na mukhang interested ang boyfriend niya sa girl dahil madalas silang mag-usap. Hindi na mapakali ang hitad na female personality, uneasy na siya!

“Naku, kinabukasan, gumawa na siya agad ng script na ikasisira ng girl na kakikita lang nila nu’ng nakaraang gabi! Ipinarating niya sa boyfriend niya na problem child pala ng family nila ang girl, samantalang hindi naman totoo ‘yun!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ganu’n siya ka-insecure! Palibhasa, e, takot na takot siyang iwan ng yayamanin niyang karelasyon! Kilala na ng mga kaibigan niya ang kartada ng babaitang ito, matindi siya!” napapailing na lang na pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, gusto n’yo bang kumuha ng bareta ng sabon para ihambalos sa babaitang ito?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending