outbrain

‘Lumipad ang aming Team’ KMJS 15th anniv special sa Denmark

By Ervin Santiago December 08,2019
share this

‘Lumipad ang aming Team’ KMJS 15th anniv special sa Denmark

By Ervin Santiago December 08,2019
share this

JESSICA SOHO

TULOY-TULOY pa rin ang 15th anniversary celebration ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) ngayong Linggo (Dec. 8) sa GMA 7.

Lilipad ang KMJS team sa isang group of island sa North Atlantic kung saan ang pinipiling mapangasawa ng marami sa mga kalalakihan dito ay mga Pilipina!

Ito ang tagong paraiso ng Faroe Islands sa Denmark na hinirang din ng travel publications bilang Top Travel Destination ngayong 2019. Pinuntahan ito ni Jessica Soho at dito daan-daang mga Pinay na pala ang nakatagpo ng kanilang “forever”.

Alamin kung bakit  maraming mga Pilipina ang lumalagay sa tahimik sa islang ito. At para dalhin ang Paskong Pinoy sa Faroe, magluluto sila ng classic bibingka na ipatitikim nila sa kani-kanilang mga asawa.

Samahan din si Jessica na libutin ang tourist spots sa Denmark na laging nangunguna sa listahan ng Happiest Countries in the World.

At bago tuluyang umuwi ng bansa, may stop over din ang KMJS team sa Istanbul, Turkey upang mag-cruise, mag-shopping, at siyempre mag-food trip!

Abangan ang lahat ng ito sa “Lumipad ang Aming Team: Kapuso Mo, Jessica Soho 15th Anniversary Special” ngayong Linggo, pagkatapos ng The Clash sa GMA!

* * *

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending