Louise umaming 1 year nang ka-live in ang dyowang architect: Win-win situation kami!
ISANG taon nang nakikipag-live in ang aktres na si Louise delos Reyes sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Jino, isang architect at bar owner.
Diretsahan itong inamin ni Louise sa ginanap na presscon para sa bago niyang pelikula under Viva Films, ang hugot movie with a twist na “My Bakit List”. Ipinaliwanag ng aktres na nagiging praktikal lang siya sa buhay kaya nagdesisyon siyang magsama na sa isang bahay ng kanyang dyowa.
“Open naman ako sa idea (live-in). Kasi naiwan na din ako doon sa choice na ’yon since wala na din akong magulang and mayroon na din family ’yong mga kapatid ko. Tsaka mas less gastos, noong nabubuhay ako mag-isa solo ko ’yong rent, ’yong grocery, pero ngayon may ka-share na ako. Win-win situation sa amin,” simulang pahayag ni Louise. “Magkasama na kami for a year. Pero kasama namin bestfriend ko and ’yong isang friend namin,” dagdag pa niya.
Sa set-up na ito, mas lalong na-appreciate ni Louise ang kanyang partner at in fairness, sa loob ng isang taon hindi pa raw sila nag-aaway, “Actually kaya siguro hindi kami nag-aaway kasi mas tantya na namin ang isa’t isa. Parang alam ko siya pagkagising sa umaga, alam ko siya bago matulog, lahat ng problema niya naririnig ko tsaka alam ko kung saan siya nagpupunta.”
“Wala ring pretentions kasi walang room for that. Okay sa akin ’yong ganu’ng set up kasi ako wala naman akong itinatago and ’yong adjustment ko pagdating niya konti na lang. Kasi marunong siya magluto at maglinis. Ako kasi mas technical sa bahay,” lahad pa ng aktres.
Hindi rin daw siya natatakot ma-bash dahil sa pag-amin niyang ito, “Guys, 2020 na. Ako, I came from a traditional family, siya rin he came from a very traditional family. Actually, he’s living with me tapos after a few months tsaka lang namin sinabi kasi napapansin na siya na laging wala sa bahay.
“I think we have to prove to our families as well na we can. Kaya we’re working hard para hindi kami dumating sa point na we ask for money para sa rent to live. So parang dry run na rin siya. ’Yun ’yung naging thinking namin. Sa mga basher, wala ako masabi kasi siguro nasa day and age na tayo na kahit ano’ng sabihin mo may masasabi at masasabi sila,” ani Louise.
“Actually hindi na naabutan ng parents ko ang set-up namin, kasi my mom passed away six months ago. No’ng umpisa nagagalit ’yong mom ko by just the thought na may pumapasok sa bahay ko na lalaki. But then naisip niya na I have my own life, I’m working hard and alam niya na hindi ako ganun klaseng babae,” aniya pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.