Heart dinig na dinig ang paninira ng isang grupo ng mga babae: Gusto kong maiyak! | Bandera

Heart dinig na dinig ang paninira ng isang grupo ng mga babae: Gusto kong maiyak!

Ervin Santiago - December 04, 2019 - 06:59 PM

HEART EVANGELISTA

“I WANTED to cry!” ‘Yan ang inamin ni Heart Evangelista nang marinig niya mismo ang ginagawang paninira sa kanya ng isang grupo ng kababaihan sa isang lugar.

Hindi idinetalye ng Kapuso actress kung saan at kung paano niya narinig ang mga taong ito habang nag-uusap tungkol sa kanya.

Sa kanyang Instagram Stories, inilabas ng asawa ni Gov. Chiz Escudero ang kanyang saloobin tungkol dito. Inamin niyang na-stress siya sa paninira ng mga babaeng tinutukoy niya pero na-realize niya na hindi siya dapat magpaapekto at sana’y tamaan ng hiya ang mga ito at makunsensiya sa kanilang ginagawa.

“Not the type to get bothered but I heard a group of women talking ill about me and I wanted to cry (maybe I’m just tired /weak today). But soon after I prayed I realized … why should I cry?

“They should feel horrible/ dirty saying bad things about someone who didn’t wrong them … esp if they are SO much more blessed compared to others,” aniya pa.

Dagdag pa ni Heart, “Thought of the day… just keep doing good . Just silently do your thing … GOD WILL DO THE REST:) or shall I say paint away,” ani Heart.
Nag-post din si Heart ng kanyang litrato sa IG na may caption na, “Na stress ako.”

Marami namang netizens ang nagtanggol kay Heart at nagsabing ipagdarasal na lang nila ang mga babaeng tinutukoy ng aktres at pinayuhan pa siyang huwag na lang pansinin ang mga ganitong klase ng tao.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending