Mga biktima ng bagyong Tisoy maaaring mag-avail ng calamity loan sa GSIS at SSS.
INIHAYAG ng pamunuan ng Social Security System (SSS) at Government Services Insurance System (GSIS) na maaaring makapag-avail ng calamity loan ang mga miyembro at pensioner na apektado ng bagyong Tisoy.
Sa isang briefing sa Palasyo, sinabi ni SSS Assistant Vice President for Member Loans Department Boobie Angela Ocay na kabilang sa special calamity package ng SSS ay ang Calamity Loan Assistance Program (CLAP), advance three months pension para sa mga pensioners at ang direct house repair moratorium.
“Ongoing po ang mangyayari sa nakaraang Bagyong Tisoy. So, ito po ay tuloy-tuloy na project ng SSS, ito ang calamity package namin,” sabi ni Ocay.
Samantala, nag-aalok naman ang Government Service Insurance System (GSIS) ng emergency loan program na P20,000, na maaaring bayaran sa loob ng tatlong taon.
“Per member po. Whether you are an active member or a pensioner po, P20,000 po,” sabi ni GSIS Senior Vice President Joseph Andres.
“Aside from the declaration of calamity po by the national government, even the local governments can do that. So since the local government po is headed by the mayor, so as long as there is a resolution by the Sanggunian and the occurrence of that calamity came within three months of that declaration, gina-grant po namin iyon,” ayon pa kay Andres.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.