Multa mas mahal pa sa helmet | Bandera

Multa mas mahal pa sa helmet

Leifbilly Begas |December 04,2019
facebook
share this

Multa mas mahal pa sa helmet

Leifbilly Begas - December 04, 2019 - 01:03 AM

SA mga di pa nakakaalam (kung meron man), bawal ang magmaneho ng motorsiklo ng walang helmet. Maraming dahilan kung bakit hindi nagsusuot ng helmet ang ilan. Mainit, magugulo ang buhok, at ang malimit na naririnig ko ay malapit lang naman ang pupuntahan.
Kung alam kaya nila na P1,500 ang multa sa hindi pagsusuot ng helmet, ganito pa rin kaya?
Ang P1,500 na multa ay nakasaad sa Joint Administrative Order 2014-01 ng Department of Transportation.
At kung mahuhuli ka sa ikalawang pagkakataon, ang multa ay P3,000.
Tataas naman ito sa P5,000 kung mahuhuli sa ikatlong pagkakataon.
At kapag nahuli sa ikaapat at susunod pang paglabag ang multa ay P10,000.
Grabe, di ba? Mahal pa sa helmet ang multa. Kaya kung ako sa inyo, bumili na lang kayo ng helmet kesa magmulta.
Paalala, ang helmet na dapat bilhin ay ‘yung pasado sa Philippine Standard o mayroong Import Commodity Clearance.
Kung ang helmet kasi na suot ay walang PS o ICC ang parusa ay katulad ng hindi pagsusuot ng helmet.
Alam din kaya ng mga traffic enforcer na ganito kalaki ang multa sa mga hindi nagsusuot ng helmet?
Kasi pinapalagpas lang nila o dinadaan-daanan lang sila ng mga ito.
Kung ipinatutupad lang ito, tiyak na maraming susunod. Wala nang magpapahuli ulit dahil sa laki ng multa.
Pero teka, ‘yung mga nakasakay daw ba electric motorcycle kasali sa dapat nakahelmet? Meron kasing electric motorcycle na walang sidecar pero tatlo ang gulong.
***
Heto na naman. Nung Lunes ay marami ang pumuna sa mga lokal na pamahalaan kung bakit kinansela ang klase e ang araw-araw.
Actually kahit naman hindi nagdeklara ang mga local government units ay walang klase sa mga lugar kung saan itinaas ng Pagasa ang tropical cyclone warning signal.
Automatic na walang pasok sa preschool sa mga lugar na nakataas ang TCWS no. 1. Walang pasok ang elementary at high school kapag TCWS no. 2 at walang pasok ang kolehiyo kapag TCWS no. 3.
Nung nagdeklara ang isang LGU na walang pasok in all levels kahit na TCWS no. 1 lang, lahat ng iba ay umasa na sana sila rin.
At maraming LGU na sumunod kaya sila ay natuwa. Pero nang walang malakas na ihip ng hangin at ulan, nagrereklamo naman kasi sayang daw ang araw sana pumasok na lang ang mga estudyante at hindi naman masungit ang panahon.
Matutuwa kaya sila kung sakaling sumungit ang panahon at tama na nagsuspinde ng klase?
Kapag nariyan na ang baha at malakas na hangin, ang sinasabi naman ng iba sana may pasok na lang basta bumuti na ang panahon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending