Angel Locsin pasok sa 2019 Forbes Asia’s Heroes of Philanthropy
TUNAY ngang superhero na maituturing ang Kapamilya actress na si Angel Locsin. Bagay na bagay talaga sa kanya ang tawaging Darna!
Pasok si Angel sa listahan ng Forbes Asia’s latest Heroes of Philanthropy.
Para sa taong 2019, naglabas ang Forbes ng 30 personalidad na tinawag nilang mga tunay na philanthropists “who are committed to solving some of the most pressing issues facing the Asia-Pacific.”
Ayon sa official statement ng Forbes, matapos tamaan ng sunud-sunod na lindol ang Mindanao nitong nagdaang Oktubre, agad na nag-donate ng P1 million cash si Angel sa mga naapektuhan ng kalamidad bukod pa sa pagdi-distribute ng “truckloads of relief supplies.”
Bukod dito, noong kasagsagan ng Marawi siege taong 2017, naging bahagi si Angel ng Rural Missionaries of the Philippines, “donating and distributing food packets and school supplies to tens of thousands of displaced victims.”
At nitong nakaraang Setyembre, nagbigay din ang aktres ng cash donation sa annual ABS-CBN Ball para sa Bantay Bata sa halip na gastusin sa pagpapagawa ng bonggang gown.
“Over the past decade, Locsin has donated as much as P15 million to causes such as educational scholarships for students, supporting the economic and political rights of indigenous people, and ending violence against women and children,” pahayag ng Forbes.
“It’s like taking little steps towards substantive, holistic change for the future of the next generations. The only motivation we need is being part of humanity,” ang pahayag ni Angel na inilathala rin ng Forbes.
Ayon naman sa fiance ni Angel na si Neil Arce, siya na ang nag-post ng bagong pagkilalang tinanggap ng aktres dahil ayaw talaga nitong ibinabandera ang kanyang mga ginagawang pagtulong. Kaya si Neil na ang nagbandera nito sa Facebook.
“Dahil nahihiya ka ipost ako na lang mag post. my strong independent woman! IM proud of you my Love!” caption ni Neil sa statement ng Forbes.
Bukod kay Angel, kinilala rin ng Forbes ang iba pang personalidad sa kanilang 13th annual Heroes of Philanthropy kabilang na ang Filipino businessman na si Hans Sy, ang Indian business tycoon na si Azim Premji, pati na ang Australian billionaire na si Judith Neilson at ang Chinese tycoon na si Jack Ma.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.