Pagkampi ni Ai Ai kay Pacquiao binanatan ng bashers: Shut up! Wag ka na ring kumanta ng Blackpink

By Alex Brosas December 04,2019
share this

Pagkampi ni Ai Ai kay Pacquiao binanatan ng bashers: Shut up! Wag ka na ring kumanta ng Blackpink

By Alex Brosas December 04,2019
share this

AI AI DELAS ALAS

Comedienne Ai Ai delas Alas agreed with Sen. Manny Pacquiao na tigilan na ang mga batikos patungkol sa 2019 SEA Games.

“Tama senator parang awa nyo na wala naman na munang nega. Enjoy naten ang SEA games. Saka na kayo mag away away pag tapos na kasi para naman hindi nakakahiya sa mga bisita,” she said.

Halos bumaliktad naman yata ang sikmura ng bashers ni Ai Ai sa kanyang panawagan. Bumuwelta sila at inokray-okray siya.

“OK basta wag ka ng kanta ng kanya ng Blackpink.. kahiya eh.”

“Nyeta ka. Hahaha! Basta tigilan mu na ang kakakanta ng Blackpink. Para kang baboy na may sipon. Saka pag napanood ng Blacpink yung ginawa mo baka irecruit ka pa nila bilang member. Hahahaha. Comedy Queen ka talaga. Ginawa mong katatawanan yung kanta. Hahahahaha.”

“Talaga ba? E ikaw nga kinutya mo mga damit ng Miss U! Shut up ha, talagang pinangatawanan mo pagiging mukha mong tanga. Kaka cringe.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending