Mariel, Robin matindi ang sakripisyo para sa 2 anak

By Ervin Santiago December 03,2019
share this

Mariel, Robin matindi ang sakripisyo para sa 2 anak

By Ervin Santiago December 03,2019
share this

Ibinahagi ng TV host-vlogger na si Mariel Rodriguez-Padilla sa madlang pipol ang ilang detalye sa pagsilang ng second child nila ni Robin Padilla na si Maria Gabriela sa kanyang latest vlog entry.

Mapapanood sa nasabing video ang ginawa niyang preparasyon para sa pagle-labor at delivery ni Baby Maria Gabriela sa isang hospital sa Amerika. Dito inamin ni Mariel na matindi rin ang pinagdaanan niya mula sa pagbubuntis hanggang sa pagsilang ng sanggol.

“I knew it wasn’t going to be easy that Robin and I weren’t going to be together when I deliver Gabriela but we decided to make some sacrifices for our kids. During labor all I can think of is Isabella and Robin, all moms out there understand why. I am now sharing it with you guys because I want you to see the beauty above all the pain of giving birth,” bahagi ng mensahe ni Mariel sa kanyang mga followers.

Bago ito, nag-post din si Binoe ng kanyang message sa IG ilang oras pagkatapos isilang si Baby Gabriela, aniya, “A father is neither an anchor to hold us back nor a sail to take us there but a guiding light whose love shows us the way.” Today maria gabriela de padilla was born God is great! My wife had her dream fulfilled again gabriela was delivered by natural birth Praise God everything was very smooth her family in the US especially her dad watched over her.”

Ipinanganak si Baby Gabriela last Nov. 15 pero wala si Binoe sa tabi ng asawa nang manganak ito. Ang panganay nilang si Maria Isabella ay isinilang din sa US noong Nov. 14, 2016 at hindi rin nakasama ni Mariel ang kanyang mister nang siya’y mananganak.
* * *

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending