Kapamilya stars pinaaga ang Pasko para sa mga Caviteño

By Ervin Santiago December 03,2019
share this

Kapamilya stars pinaaga ang Pasko para sa mga Caviteño

By Ervin Santiago December 03,2019
share this

ALJUR ABRENICA, JESSY MENDIOLA,
ELISSE JOSON AT EJAY FALCON

ISANG buong pamilyang nagdiwang ng Kapaskuhan ang mga Caviteño kasama ang sari-saring Kapamilya stars na nagbahagi ng taos-pusong pasasalamat at nagpadama ng matibay na pagmamahal sa mga tagahangang dumalo sa “Bida Kapamilya Family is Forever” event sa Bacoor, Cavite kamakailan.

Dinagsa ang Strike Gymnasium ng Kapamilya fans upang iparamdam ang kanilang mainit na pagmamahal sa mga bituin ng ABS-CBN, na pinangunahan ng “Love Thy Woman” stars na sina Xian Lim at Yam Concepcion sa paghandog nila ng awitin para sa manonood.

Bumisita rin sa Cavite ang cast ng hapon seryeng “Sandugo,” kabilang sina Aljur Abrenica, Jessy Mendiola, Elisse Joson, at love teams na KarJon (Karina Bautista at Aljon Mendoza) at ReignLi (Reign Parani at Ali Abinal) na umani ng malakas nahiyawan.

Uminit naman ang entablado sa pagdating ng Bidaman boys ng “It’s Showtime” na nagpakitang gilas sa pag-awit at pagsayaw. Sa pagtatapos ng programa, isa-isang lumapit ang Kapamilya stars upang makipag-selfie sa mga manonood habang inaawit ang ABS-CBN Christmas station ID 2019 na “Family Is Forever.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending