Inigo Pascual nakiusap sa madlang pipol para sa SEA Games 2019

By Ervin Santiago December 03,2019
share this

Inigo Pascual nakiusap sa madlang pipol para sa SEA Games 2019

By Ervin Santiago December 03,2019
share this

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Inigo Pascual na naging bahagi siya ng makasaysayang 30th SEA Games Opening Ceremony na ginanap last Saturday sa Philippine Arena kasama ang iba pang pambatong performers ng Pilipinas.

Sa panayam kay Inigo sa ginanap na #StarMagicGivesBack2019 event, sinabi nitong hinding-hindi niya malilimutan ang naging experience niya sa nasabing event na dinaluhan ng libu-libong Pinoy at foreigners mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo, “Grabe ‘yung rehearsal namin du’n. As in buong araw kami nag-rerehearse.
“It was a good experience din. And ‘yung production siyempre is from America so nakaka-excite siyempre to have a different production to work with and it’s something na nakakatuwa gawin kasi you’re able to experience din something na hindi mo pa nagagawa. Siyempre at the Philippine Arena. It was my first time performing there as well. And the whole thing honestly was just a good experience as a whole. And to be part of the opening of SEA Games parang once in a lifetime lang masasabi,” pahayag pa ng anak ni Piolo Pascual.

Inamin din ng binata na hindi niya napigilan ang maging emosyonal nang mag-perform sa Philippine Arena, “Hindi natin alam kung kailan natin mauulit ‘yung SEA Games so dun pa lang, rehearsal pa lang, naiiyak na ako na nakikita ko ‘yung mga lanterns, ‘yung mga sumasayaw. Nakakaiyak ‘cause I couldn’t believe that I was actually there performing alongside the icons of this generation.”

Nakiusap din si Inigo sa madlang pipol na magkaisa at huwag na munang magpakanega sa kabila ng mga isyu at kontrobersiya sa SEA Games, “I feel like to be honest it’s a once in a lifetime na masasabi natin na host natin ‘yung SEA Games. And matagal na ‘yung last. 14 years ago pa ‘yung last na hosting natin ng SEA Games. So just enjoy it no matter what’s going. I feel like the best thing we could do to help is to just be grateful and to support the athletes.

“Kasi siyempre kung wala tayo magagawa, wala talaga tayo magagawa. So ‘yung bagay na pwede nating matulong is to support the athletes, support the movement, and support the whole event. Kung ano man ‘yung hindi natin ma-control, eh let’s just pray for it. Let’s pray that things would fall into place. But siyempre ‘yung macocontrol natin ‘yung emosyon natin and ‘yung suporta natin sa mga athletes natin,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending