P50M jackpot ng Super Lotto nasungkit

By Leifbilly Begas December 02,2019
share this

P50M jackpot ng Super Lotto nasungkit

By Leifbilly Begas December 02,2019
share this

ISANG mananaya ang nanalo ng P50.3 milyong jackpot prize ng Super Lotto 6/49 sa bola Linggo ng gabi.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office isa ang nakakuha ng winning number combination na 35-38-09-17-10-15.
Nanalo naman ng tig-P70,000 ang 10 mananaya na nakakuha ng limang numero.

Tig-P880 naman ang 668 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P24 taya ng 13,890 mananaya na nakatatlong numero.

Ang premyo na mahigit P10,000 ay pinapatawan ng 20 porsyentong buwis.

Ang Super Lotto ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Linggo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending